News Releases

English | Tagalog

"Encounter" at "Gangnam Beauty" magsisimula na sa ABS-CBN

August 01, 2019 AT 02:09 PM

Maaari nga kayang maging wagas na pag-ibig ang nagsimula lamang sa hindi inaasahang pagkikita? Iyan ang susubukang sagutin ng dalawang hit Koreanovela na “Encounter” at “Gangnam Beauty” na magsisimulang umere sa Kapamilya Primetime Bida at Kapamilya Gold timeslot ng ABS-CBN simula Lunes (Agosto 5).
 
Sa “Encounter,” mapapanood ng K-Drama fans ang pares nina Park Bo Gum at Song Hye Kyo na gaganap bilang Marco Kim at Pauline Cha sa isang kwentong tiyak na pakikiligin ang manonood.
 
Bilang si Pauline, isang CEO ng hotel si Hye Kyo na lilipad patungong Cuba para palaguin ang kanyang business. Dito niya makikilala si Bo Gum bilang Marco, na magiging empleyado niya sa Korea. Naniniwala ang dalawa na walang kahulugan ang kanilang pagtatagpo sa Cuba ngunit dahan-dahang lalalim ang relasyon ng dalawa paglipad nila.
 
Samantala, mapapanood naman sa “Gangnam Beauty” ang hirap ng buhay ni Im Soo Hyang bilang Mikka Kang, isang mahiyaing dalaga na lumaki sa pambubully ng kanyang mga ka-eskwela dahil sa kanyang anyo. Isang normal na buhay lamang ang nais ni Mikka at napilitan siyang magpa-plastic surgery para lang makamit iyon. Lingid sa kanyang kaalaman, may gusto sa kanya ang pinakasikat na lalaki sa kanilang paaralan na si Kenzo Do (Cha Eun Woo) noong high school pa sila at nagustuhan siya para sa kanyang personalidad.
 
Huwag palampasin ang dalawang exciting na Koreanovela sa first and true home of Asianovelas ngayong Lunes (Agosto 5), sa pagsalang ng “Encounter” at “Gangnam Beauty” pagkatapos ng Kapamilya Primetime Bida at Kapamilya Gold timeslot sa ABS-CBN.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE