News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Sports, ipapalabas ang semis at finals ng PPGL sa S+A, iWant

August 10, 2019 AT 02:47 PM

ABS-CBN Sports brings 2nd PPGL semis and finals to S+A, iWant

ABS-CBN Sports brings eSports to the center stage this weekend as it delivers action from the 2nd Philippine Pro Gaming League (PPGL) on S+A, LIGA, and iWant, featuring Massive Online Battle Arena (MOBA) games Arena of Valor, League of Legends, Mobile Legends, and Tekken 7.

Mga bagong pambato sa Mobile Legends at Tekken, magsasalpukan…

 

Inihahandog ng ABS-CBN Sports ngayong weekend ang laban ng mga pambato ng Pilipinas sa eSports sa 2nd Philippine Pro Gaming League (PPGL) tampok ang mga larong Arena of Valor, League of Legends, Mobile Legends, at Tekken 7 sa S+A, LIGA, at iWant.

 

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga naglalaro at sumusubaybay samga Massive Online Battle Arena (MOBA) na mapanood ang Arena of Valor (AOV) Finals ng LIVE sa S+A ngayong Linggo (Agosto 11) ng 10:30 am at ang League of Legends (LOL) Finals sa primetime ng 8 pm. Mapapanood naman ang Tekken 7 tournament Finals ng LIVE sa LIGA ng 6 pm sa parehong araw.

 

Sinimulan na ng ABS-CBN Sports noong Biyernes (Agosto 9) ang paghatid ng aksyon sa ikalawang PPGL sa iWant, kung saan may livestreaming ng semifinals ng AOV at opening round ng sikat na sikat na mobile game na Mobile Legends Bang! Bang! (MLBB).  Tuloy ang livestreaming sa iWant ngayong Sabado (Agosto 10) para sa semifinals ng LOL at Finals ng MLBB simula 11 am, at ang Finals ng AOV, LOL, at Tekken 7 sa Linggo (Agosto 11) simula 10:15 am.

 

Ipapalabas naman sa S+A ang MLBB Finals sa Agosto 17 ng 1 pm, habang mapapanood ng eSports fans ang maaksyong bakbakan sa mundo ng Tekken 7 sa Agosto 18 ng 10:30 am.

 

May kabuuang P1.3 million ang pinaglalabanan ng mga manlalaro sa PPGL ngayong taon. Inorganisa ito ng MET Events, ang pinakamalaking eSports events organizer sa buong Asya, katuwang ang Globe Telecom. Ngayong season, halos 20 na manlalaro ang unang beses na tatapak sa entablado ng PPGL, isang pagpapakita ng tagumpay ng liga sa pagtulong sa mga bagong atleta sa larangan ng eSports na mapalapit sa kanilang mga pangarap.

 

Hindi dapat palampasin ng eSports fans ang ikalawang PPGL season sa pagpasok nito sa Finals stage na sisimulan ng Arena of Valor ngayong Linggo (Agosto 11), LIVE ng 10:30 am na susundan ng pag-ere sa primetime ng League of Legends Finals ng 8 pm. Hindi pa matatapos ang saya dahil mapapanood ang MLBB Finals at Tekken 7 Finals sa Agosto 17 at 18. Samantala, sa mga may gustong mapanood ang tatlong araw ng umaatikabong aksyon sa eSports arena, handog ng iWant ang livestreaming nito hanggang Linggo (Agosto 11).

 

Para sa karagdagang impormasyon at mga kwento tungkol sa PPGL at eSports, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin angwww.abscbnpr.com.