News Releases

English | Tagalog

Makulay na byahe ng TNT Boys, mapapanood na sa docu series ng iWant

August 14, 2019 AT 11:02 AM

TNT Boys' journey to world stage revealed in iWant's original docu series

iWant lets the fans in on the TNT Boys' never-before-seen footage, behind-the-scenes struggles, and friendship that glued them together.

Paano nga ba ibinabalanse ng TNT Boys ang kanilang karera, pag-aaral, at pag-eenjoy bilang mga bata? Ano ang mga pinagdaanan nila bago makamit ang tagumpay at ano pa nga ba ang aabangan mula sa kanila?
 
Makisakay sa makulay na byahe ng TNT Boys mula sa pagiging maliliit na batang nangarap hanggang sa nakilala sila ng buong mundo sa iWant original documentary series na “TNT Boys: Journey to the World Stage” na maaari nang mapanood nang libre.
 
Mapapanood sa docu series ang behind-the-scenes footage na magpapakita sa hindi malilimutang tagumpay na nakuha at pagkakaibigang nabuo ng TNT Boys na nagbigay ng inspirasyon sa kanilang mga tagasubaybay.
 

Bago pa man nakilala ang trio sa buong mundo at ng idolo nilang si Ariana Grande, pinabilib na nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion ang madlang people bilang grand finalists sa “Tawag ng Tanghalan Kids” sa “It’s Showtime.” Hindi man nagwagi sa kumpetisyon, mas pinatibay lamang nito ang kanilang mga loob para ipagpatuloy ang pagkanta at pagkamit ng kanilang mga pangarap para sa kani-kanilang pamilya.
 
Opisyal na nabuo bilang trio ang tatlo pagkatapos ng viral showdown nila sa “Gandang Gabi Vice” noong 2017, at naging sunod-sunod na ang pagkilalang natanggap ng TNT Boys matapos nito.
 
Sila rin ang itinanghal na grand winner ng ikalawang season ng “Your Face Sounds Familiar Kids,” kung saan napansin sila ng international media at fans para sa kanilang panggagaya sa ilang music icons gaya ng Bee Gees at nina Jessie J, Nicki Minaj, at Ariana Grande.

Matinding galing sa pag-awit ang kanilang ipinamalas na nagdala sa kanila sa iba’t-ibang panig ng mundo, kabilang na sa “Little Big Shots” UK, US, at Australia.

Nagbigay-daan ito para makatungtong sila sa world stage at mapasama sa international talent competition na “The World’s Best” ng US TV network na CBS, kung saan paulit-ulit silang pinuri ng Hollywood stars na sina Ru Paul, Faith Hill, at Drew Barrymore. Nag-trending din ang guesting nila sa “The Late Late Show with James Corden,” kung saan nakapag-perform sila kasama ang kanilang idolo na si Ariana.

Noong nakaraang taon naman, nag-perform sila para sa libo-libong fans sa “Listen: The Big Shot Concert,” na siyang naghirang sa kanila bilang pinakabatang artists na na-sold out ang isang major concert, hindi lang sa makasaysayang Araneta Coliseum, kundi sa buong bansa.

Panoorin nang libre ang episodes ng “TNT Boys: Journey to the World Stage” sa iWant app (iOS at Android) o sa iwant.ph. Para sa karagdagang updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @dreamscapedigital at @iwantofficial sa Instagram.