News Releases

English | Tagalog

“UPFRONT” ng ABS-CBN S+A, level up sa bagong season

August 02, 2019 AT 07:25 PM

ABS-CBN S+A’s “UPFRONT” levels up in new season

ABS-CBN S+A’s award-winning lifestyle program “UPFRONT” is back and better than ever as hosts Janeena Chan, Turs Daza, Angelique Manto and Martin Javier go beyond the UAAP and NCAA to feature more athletes, more leagues, and explore new spots and fun activities in the metro starting this Sunday (August 4) at 1:30 pm.

Mas maraming atleta, mas maraming liga…  
 
Nagbabalik ang mas pinalakas at pinalaki na award-winning lifestyle program na “UPFRONT” ng ABS-CBN S+A kasama ang mga host na sina Janeena Chan, Turs Daza, Angelique Manto, at Martin Javier ngayong Linggo (Agosto 4) ng 1:30 pm.
 
Sa bagong season nito, mas makikilala na rin ng mga manonood ang mga atleta sa iba pang liga bukod sa UAAP at NCAA tulad ng Premier Volleyball League (PVL) at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). May bagong segment host ding makakasama ang “UPFRONT” squad na walang iba kundi ang dating Ateneo Lady Eagle at ngayon ay pambato ng Choco Mucho Flying Titans na si Bea De Leon.
 
Sa darating na Linggo, makikilala pa ng husto ng fans ang kakampi dati ni Bea na si Pauline Gaston, na kung tawagin ay “Ponggay” ng kanyang fans at kakampi sa kanyang pagiikt sa Lakbay Museo kasama si Angelique at Martin.
 
Samantala, maghaharap muli ang San Beda Red Lions at Lyceum of the Philippines University Pirates sa “Challenge Accepted” segment kung saan magpapagalingan sila sa mga palaring Pilipino tulad ng Luksong Baka and Tumbang Preso.
 
Hindi naman papahuli si Bea sa segment na “Squad Goals,” kung saan makakasama niyang sumabak sa isang Lagree Fitness session ang dating De La Salle University Green Archer at ngayon ay MPBL rookie na si Joshua Torralba.
 
Unang napanood ang “UPFRONT” noong 2015 bago at tuwing halftime ng mga laro sa UAAP Season 78, kung saan host ang University of the Philippines. Dahil sa pagtangkilik ng fans, ipinagpatuloy ito at nagkaroon pa ng edisyon para sa NCAA noong 2018. Noong nakaraang taon, tumanggap din ang programa ng prestihiyosong Anak TV Seal award na ibinibigay sa mga programang akma sa mga batang manonood.
 
Huwag palampasin ang pagbabalik ng “UPFRONT” sa S+A at S+A HD ngayong Linggo (Agosto 4) ng 1:30 pm kasama sina Janeena Chan, Turs Daza, Angelique Manto, Martin Javier, at bagong segment host na si Bea De Leon.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa sports, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.
-30-