News Releases

English | Tagalog

Beauty at Seth, maninindak bilang mag-ina sa iWant horror movie na "Abandoned"

August 27, 2019 AT 01:41 PM

Beauty and Seth play mother and son in iWant's psycho-horror movie "Abandoned"

From entertaining viewers and netizens in the top-rating series “Kadenang Ginto,” Beauty Gonzalez and Seth Fedelin will give viewers the creeps in this iWant original horror movie.

Mula sa pang-aaliw sa mga manonood at netizens sa “Kadenang Ginto,” katatakutan at kilabot naman ang ipapadama nina Beauty Gonzalez at Seth Fedelin na gaganap na mag-inang susubukin ang pagmamahal sa isa’t sa iWant original movie na “Abandoned.”

Mapapanood na ngayong Miyerkules (Agosto 28) sa iWant app at iwant.ph ang psycho-horror movie kung saan gagampanan ni Beauty ang papel ni Simone, isang single mother at bodyguard. Mababagabag siya ng kunsensya matapos mapaslang ang lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho dahil sa isang insidente ng nakawan, dahil mas pinili niyang takasan ang tungkulin para mabuhay para sa anak na si RJ (Seth).
 
Bilang parusa, maa-asign siyang bantayan ang isang abandonadong building na dating ospital na nilamon ng sunog at pinaniniwalaang minumulto ng mga nurse at batang pasyente. Habang naka-duty, guguluhin siya ng mga kaluluwang nakatira rito. Hindi kalaunan ay madidiskubre ni Simone ang tsismis tungkol sa naturang building – na sinadyang sunugin nang buhay ang mga bata upang ialay sa demonyo bilang kapalit ng kayamanan.
 
Maaapektuhan naman ng mga misteryosong sikreto ng ospital ang buhay ni Simone dahil sa kabila ng mga ito, kailangan niyang harapin ang mga karanasan at takot niya sa buhay na muling mapupukaw ng mga multo at unti-unting sisira sa relasyon nilang mag-ina.
 
Sa huli, mapipilitan ang ulirang ina na isakripisyo ang buhay ng kanyang anak. Magagawa kayang labanan ni Simone ang sarili niyang pangamba at takot alang-alang kay RJ?
 
 

Ang “Abandoned” ay isinulat at idinirek ni Kip Oebanda, na siyang writer-director din ng critically acclaimed films na “Liway,” “Nay,” at “Bar Boys.” Ipinrodus naman ito ng parehong Dreamscape Digital at Quantum Films.
 
Abangan ang sindak na hatid ng “Abandoned” simula Agosto 28 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.