News Releases

English | Tagalog

Edward at Maymay, magsasama sa "M.E. & U" live concert

August 29, 2019 AT 03:33 PM

Edward and Maymay team up for "M.E. & U" live concert

Prepare for a romance-filled and talent-loaded night in “M.E. & U: MayWard Live in Concert.”

Ang inaabangan at pinakamalaking concert ng MayWard, ngayong Setyembre na!
 
Tuloy na tuloy na ang pinakaaabangang pagsasama nina Maymay Entrata at Edward Barber sa isang concert ngayong Setyembre 27 (Biyernes) sa New Frontier Theater sa Quezon City.
 
Siguradong magdadala ng kilig at kasiyahan ang nakakaaliw at hindi matinag na tambalang MayWard sa kanilang "M.E. and U Concert" na hatid ng Star Events, Star Music, at Star POP.
 
"Gusto namin ipadama at iparamdam sa mga sumusuporta sa amin na dahil sa kanila, kaya gagawin namin 'to, at parte sila hindi lang sa concert pati sa buhay naming. Kaya 'M.E. and U', dahil sila yung U," ani Maymay.
 
Dapat ding abangan ng mga fans ang pagtatanghal nila ng mga kantang "Baliw," "Mahal Kita Kasi," "Magdamag" at iba pa.
 
"A lot of the suggestions, ideas and memories and history that we had with the MayWard family will be there, as in you can see the journey that we've had during the prods of the concert," dagdag ni Edward.
 
Katatapos lang ng pinagsamahang fantaserye nina Maymay at Edward na "Hiwaga ng Kambat" at nitong unang bahagi ng taon, naglabas din sila ng kanya-kanyang mga awitin na "Kakayanin Kaya" at "No One Else."
 
Ang "M.E. and U Concert" ay isa sa mga kaabang-abang na event sa ilalim ng Star Events na layuning iangat ang OPM sa pamamagitan ng mga kapana-panabik na kaganapan at pagtatanghal para sa mga Kapamilya.
 
Maghanda na para sa isang gabing puno ng pag-ibig at talento sa “M.E. & U: MayWard Live in Concert.” Maaaring makakuha ng tickets sa Ticketnet Online sa halagang P3,500 (SVIP), P2,999 (VIP), P2,600 (Orchestra A), P1,999 (Orchestra B), P990 (Loge), at P530 (Balcony).
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.