News Releases

English | Tagalog

“Fantastica: The Prince, The Princess, and The Perya,” mapapanood na sa Cinema One

August 08, 2019 AT 02:36 PM

“Fantastica: The Prince, The Princess, and The Perya” premieres on Cinema One this Sunday

An exciting adventure awaits as Cinema One treats viewers to “Fantastica: The Prince, The Princess, and The Perya” airing this Sunday (August 11) at 7PM.

Pinaghalong katatawanan at pantasya ang hatid ni Vice Ganda sa pelikulang “Fantastica: The Prince, The Princess, and The Perya” na unang beses ipapalabas sa Cinema One ngayong Linggo (August 11).

Iikot ang istorya ng pelikula sa paghihirap ni Belat Padilla (Vice) na maisalba ang kanilang perya na napag-iwanan na ng panahon. Sasailalim siya sa isang misyon na hanapin ang tatlong prinsesa mula sa mundo ng "Fantastica," kapalit ng pangakong tulong para maibalik sa dati nitong sigla ang kanilang perya.

Subalit hindi magiging madali ang pagpapabalik sa mga prinsesa sa kanilang mundo na siyang mag-uudyok sa kanila na magtulungan para mabuhay na muli ang saya at sigla ng perya.

Ang “Fantastica: The Prince, The Princess, and The Perya” ang ikaanim na sunod na taon na lumahok ang pelikula ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Dahil dito, pinuri ng movie critic na si Oggs Cruz ang naiiba at hindi natitinag na presensya ng Unkabogable Phenomenal Star sa pelikula.

Sa isinulat namang review ni Julia Allende, nagustuhan niya ang pagtalakay ng pelikula sa importansya ng pagmamahal at pagkalinga ng magulang sa anak dahil ang kawalan aniya nito ay nakabababa ng paningin sa sarili.

Sa direksyon ni Barry Gonzalez, tumabo sa takilya ang pelikula sa kabuuan ng pagpapalabas nito sa MMFF. Bida rin sa pelikula sina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Bela Padilla at Jaclyn Jose. Kasama rin dito sina Maymay Entrata, Edward Barbers, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Maibalik kaya nila ang sigla ng Perya Wutzbach? Panoorin ngayong Linggo (August 11), 7 PM sa Cinema One, na mapapanood sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Panoorin din ang 25th anniversary theme song ng Cinema One, ang “Laging Kasama,” sa YouTube. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE