News Releases

English | Tagalog

“Rated K,” nagdiriwang ng 15 taon sa telebisyon

August 09, 2019 AT 03:39 PM

Team Kramer at Cherry Pie, may nakakaantig na kwento

 
Mga kwento ng pagasa at pagtupad sa pangarap ang handog ng beteranong anchor na si Korina Sanchez-Roxas ngayong Linggo (Agosto 11) sa kanyang programang “Rated K,” na nagdiriwang ngayong taon ng ika-15 anibersaryo nito sa ABS-CBN. 
 
Samahan si Korina sa pagbisita sa sikat na pamilya ng basketball player na si Doug Kramer, ang asawa niyang aktres at host na si Cheska Garcia-Kramer, at ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scareltt, at Gavin. Ipapasyal tayo ng “Team Kramer” sa kanilang bagong bahay at ibabahagi rin ang ang mga pinagdaanan nila para abutin ang pangarap nilang magkaroon ng malaking pamilya at maipatayo ang kanilang dream home.
 
Samantala, ilalahad naman ng aktres na si Cherry Pie Picache kung paano niya hinarap ang trahedya sa kanilang pamilya. Sa kanyang interview kay Korina, ishe-share niya ang kanyang pinagdaanan bago humantong sa kanyang pagpapatawad sa pumatay sa kanyang mahal na ina. 
 
Ipakikilala ang superstar dog na si Milo at ang walo pang mga asong itinuturing na mga anak ng isang pamilya sa Quezon City. Tatalakayin rin niya ang latest showbiz news na pinaguusapan ng mga netizen tungkol sa mga Kapamilya artists na sina Gerald Anderson, Bea Alonzo, at Julia Barretto.
 
Sa loob ng 15 na taon, sinusubaybayan ng mga Pilipino sa “Rated K” ang mga kwento sa likod ng mga balitang yumanig sa bansa, mga eksklusibong panayam sa mga kontrobersyal na personalidad, at maging ang istorya ng mga karaniwang Pilipino na may kakaibang kakayahan o karanasan. Kilala rin ang programa sa pagtulong sa mga Kapamilyang nangangailangan, at mga adbokasiya tulad ng “Handog Tsinelas Campaign,” kung saan namimigay sila ng mga bagong tsinelas sa mga kabataan.
 
Panoorin ang “Rated K,” na nagdiriwang ngayon ng ika-15 anibersaryo, tuwing Linggo, 6 pm sa ABS-CBN. Panoorin ito online sa iWant o sa skyondemand.com.ph.Para sa updates sa programa, i-follow ang Facebook page nito sa facebook.com/RatedKOfficial. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE