News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Ball 2019, live sa KBO

September 13, 2019 AT 11:32 AM

Matutunghayang muli ng Kapamilya fans ang kanilang paboritong stars sa gaganapin na ABS-CBN Ball 2019 sa Shangri-La The Fort dahil may live red carpet coverage nito ang KBO sa Sabado, ika 14 ng Setyembre.  
 
Ang ball ay may layuning makatulong sa Bantay Edukasyon program ng Bantay Bata 163, na magbibigay ng scholarship sa mga batang nangangailangan. Noong isang taon, natulungan rin ng ABS-CBN Ball mabuksang muli ang Bantay Bata 163 Children’s Village.  
 
Hindi lang ang live at replay ng red carpet ng ball ang hatid ng KBO ng ABS-CBN TVplus sa darating na weekend kundi iba’t ibang movies na magpapasaya sa buong pamilya.
 
Isa na rito ang huling pelikula na idinirehe ni Wenn Deramas na “Everybody Loves Baby Wendy” na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga.
 
Panoorin si Alex bilang si Wendy, isang dating child star na nawalan ng ningning nang lumabas ang isang video ng kanyang kamalditahan. Panoorin kung hanggang saan ang gagawin ni Wendy para matustusan ang pamilya.
 
Kasama rin sa line-up ngayong Sept. 13 hanggang 17 ang “Luck at First Sight,” “Recipe for Love,” “Dark Room,” restored “Can This Be Love,” at “Unli Life.”
 
Para mapanood ang KBO offerings, magregister gamit ang kahit anong prepaid o postpaid SIM. Para sa prepaid, magload  (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green/INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang box ID; at i-text ang KBO30 (date) <TVplus box ID> sa 2366.
 
Mapapanood rin ang replay ng red carpet coverage sa SKY FREE VIEW at SKY On Demand.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.