News Releases

English | Tagalog

“G Diaries,” handa nang mag-“Share the Love” sa ika-apat na season sa ABS-CBN

September 13, 2019 AT 05:32 PM

"G Diaries" continues to share the love in fourth season on ABS-CBN

The legacy of love of Gina Lopez lives on as “G Diaries” debuts its fourth season on ABS-CBN this Sunday (September 15) at 10:15 am.

Ernie Lopez, itutuloy ang programa ng kapatid na si Gina

Magpapatuloy ang paglilingkod at pagbabahagi ng pagmamahal ni Gina Lopez sa paglunsad ng ika-apat na season ng programa niyang “G Diaries” sa ABS-CBN ngayong Linggo (Setyembre 15) bago mag “ASAP Natin ‘To.”
 
Ngayong season, ibabahagi ng 30-minutong programa ang kwento ng mga natulungan ng ABS-CBN Foundation na kapupulutan ng inspirasyon. Makakasama rin ang mga kilalang personalidad na ba-biyahe sakay ng “Share the Love” bus upang makasama at makita ang buhay ng mga Pilipino sa iba-ibang komunidad.
 
Mistulang “public service on wheels” ang Share The Love” bus dahil maghahatid rin ito ng tulong para sa mga nangangailangan tulad ng “Gusto Kong Mag-aral” bags para sa mga estudyanteng walang gamit sa eskwela, soup kitchen na may dalang mainit na pagkain, mga pananim, at iba pa, kasama ang mga volunteer.


Para ipagpatuloy ang nasimulan ni Gina sa premyadong palabas, makakasama sa programa ang kapatid niyang si Ernie, na magbabahagi ng mga kwento ng pag-asa at pagbabago ng mga Pilipino.
 
“No one can take her place. Pero hindi ibig sabihin that we should quit. Hindi natin pwedeng itigil ang mission niya to share the love. So Gina, sa tulong ng Diyos, at sa biyaya ng Panginoon, kami na ang bahala to continue to share the love,” sabi ni Ernie, na nagsisilbi ring pinuno ng Creative Programs Inc., isang kumpanya sa ilalim ng ABS-CBN.
 
Tampok din sa “G Diaries” ang mga nagawang proyekto para sa mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda sa pagbisita sa mga taong natulungan nito sa nakaraang anim na taon. Taong 2017 nang unang ipalabas ang “G Diaries” na layuning iangat ang buhay ng mga nasa laylayan ng lipunan sa pagpapakita ng kanilang magagandang likas na yaman at kung paano nila ginagamit at iniingatan ito upang umunlad ang kanilang komunidad.
 
Ginawaran ng parangal ang “G Diaries” sa Gandingan Awards 2019 at Catholic and Mass Media Awards 2019 dahil sa magandang layunin at pagkakagawa ng programa.
 
Panoorin ang “G Diaries” Season 4 “Share the Love” sa ABS-CBN Channel 2 tuwing Linggo ng 10:15 am.  Sundan ang @GDiaries sa Facebook, @GDiariesPH sa Instagram at Twitter, at sa ABS-CBN Foundation channel sa YouTube.  Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abscbnpr.com.

 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE