News Releases

English | Tagalog

KBO mapapanood na sa SKY, "Between Maybes" at "MOMOL Nights first time sa TV

September 20, 2019 AT 09:42 AM

Handog ng SKY ang mas masayang weekly bonding ng buong pamilya with a 5-day movie marathon via KBO.

 

 

Mauna nang panoorin ang pelikula nina Gerald Anderson at Julia Barretto na “Between Maybes,” first time on TV. Kinunan sa Japan, pasukin ang buhay nina Hazel, isang palipas ng artista na biglang nagdesisyon na lumipat sa Saga, at Louie, isang lalaking piniling lumayo at mapag-isa para ayusin ang pusong nawasak.

 

 

Alamin kung paano sila pinagtagpo sa magulong punto ng buhay nila at kung paano nila babaguhin ang buhay ng isa’t isa. Panoorin ito ngayong September 20-24 kasama pa ang 8 bonus content – A KBO Special: The ABS-CBN Ball 2019, "Can We Still Be Friends?," 'Sisterakas," 'Walwal," "The Third Party," "One More Try," at remastered versions of "Dekada ’70" at "Anak."

 

 

Sa napapanahong iWant original naman na “MOMOL Nights,” mapapanood sina Kim Molina at Kit Thompson bilang ang loveless na si Peng (Kim) at ang lalaking hindi naniniwala sa relationship na si Marco (Kit).

 

 

Para mahanap ang kanyang “the one,” hinamon si Peng ng kanyang mga kaibigan para makipagmake-out sa lalaking unan niyang matipuhan. Isang gabi, nakilala niya si Marco, ang lalaking napili niya para gawin ang naturang dare.

 

 

Hanggang saan dadalhin si Peng ng kanyang ‘MOMOL’ escapade? Ito na ba maging sagot sa katuparan ng kanyang lovelife? Alamin ngayong September 27-October 1 kasama ang iba pang bonus na pelikula – "S.P.A.R.K.," "Working Beks,"  "Past Tense," "The Mistress," "Now That I Have You," "Must Be Love," "Everyday I Love You."

 

 

Sa halagang P30 per movie bundle, maari nang mapanood ng lahat ng SKY subscribers ang TV premiere ng mga pelikulang ito sa KBO.

 

Para i-avail ang offer, i-text ang PPV (AIRING DATE) (BOX ID) to 23667 using Globe/TM para sa SKYdirect subscribers. Para sa SKYcable subscribers, i-text PPV <ACCOUNT NO.> to 23662 o tawagan ang 418-0000 o ang pinakamalapit na local SKY office. Para sa SKY Fiber subscribers, maaring mag-activate online para makapanood sa kahit anong device via SKY On Demand. Para sa karagdagang detalye, bistahin ang mysky.com.ph/kbo30.