News Releases

English | Tagalog

Tamaraw Pride, ibibida sa pagbisit ng "University Town" sa FEU

September 20, 2019 AT 12:49 PM

Tatawid sina Robi Domingo, Gretchen Ho, at Alyssa Valdez mula Recto papuntang Morayta para naman libutin at ibida ang Far Eastern University (FEU) ngayong Sabado (Setyembre 21) sa “University Town” (“U-Town”) ng 1 pm sa ABS-CBN S+A.
 
Samahan ang former FEU Lady Tamaraws na sina Heather Guino-o, Kyle Negrito and Buding Duremdes sa kanilang pag-iikot sa loob ng FEU campus, na tinatawag ng karamihan na “Oasis of the University Belt” dahil sa mga nagtataasang puno at mala-parkeng tanawin sa loob ng mga pader nito.
 
Makakasama rin nila sa loob ng napakagandang campus ang premyadong radio DJ na si Chris Tsuper, na mas kilala bilang “Kambyo King” sa FM radio. Ibabahagi niya ang mga alaala sa pinanggalingang eskwelahan sa segment na “Represent.”
 
Sasali naman si Alyssa sa ensayo ng UAAP Season 81 Men’s Chess Tournament champion team na ikukwento ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na torneo.
 
Samantala, pagkakaisa naman ang tema ng “University Lodi” ngayong linggo dahil makikilala natin si Almirah Amin mula sa FEU Muslim Circle, at tatalakayin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Ikukwento rin FEU Chorale kung paano sila nagkaisa para makapaguwi ng karangalan sa kanilang eskwelahan.
 
Mag-enjoy at ma-inspire sa kwento ng ilang mga personalidad mula sa FEU kasama sina Robi Domingo, Gretchen Ho, at Alyssa Valdez ngayong Sabado (Setyembre 21) ng 1 pm sa “U-Town.” Para sa balita sa UAAP, i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa www.abscbnpr.com.