News Releases

English | Tagalog

The Gold Squad, may iWant movies na at 1 milyong YouTube subscribers

September 03, 2019 AT 04:54 PM

The Gold Squad announces upcoming iWant movies, surpasses 1 million subscribers on YouTube

The popularity of “Kadenang Ginto” continues to spread beyond TV and spill over the internet with its teen quartet, The Gold Squad.

Mula sa hit Kapamilya afternoon teleseryeng “Kadenang Ginto,” lalong mas nakikilala at marami ang sumusubaybay sa bawat galaw at proyekto ng grupong The Gold Squad na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri na ngayon at mayroon na ring original movies sa iWant at higit sa isang milyong subscribers sa YouTube.
 
Kamakailan, inanunsyo ang digital movie na pagbibidahan nina Andrea at Seth o SethDrea sa iWant na “Wild Little Love,” isang romance-drama kung saan makakasama nina sina Carmina Villaroel, Alfred Vargas, Victor Neri, at “Kadenang Ginto” co-star na si Criza Taa. Kabilang din dito ang Ultimate Bidaman ng “It’s Showtime” na si Jin Macapagal na tampok sa una niyang pelikula.
 
Isang iWant original romance-drama fantasy movie rin ang katatampukan nina Francine at Kyle na matatagpuan ang pag-ibig at mahika sa “Silly Red Shoes,” kung saan mapapabilang din ang nagbabalik-showbiz na si Herbert Bautista.
 
Magsisimula na ang shooting ng mga pelikulang ito ngayong buwan, kaya maaasahan ng kanilang fans na mapapanood ang mga ito sa iWant bago matapos ang taon. Noong nakaraang linggo naman, inilabas na ng iWant ang horror movie nitong “Abandoned,” ang unang pelikula ni Seth kasama ang kanyang “Kadenang Ginto” co-star na si Beauty Gonzalez.
 
Samantala, hindi na rin maawat ang popularidad ng teen quartet maging sa video-streaming platform na YouTube dahil wala pang apat na buwan, mayroon na itong 1.1 milyong subscribers, kaya naman pinagaralan din ito ng YouTube ng Gold Creator Award na binibigay sa mga channel na lumagpas na sa isang milyon ang subscribers.
 
Sa 33 videos na nailabas ng channel simula Mayo, 54.6 milyong views na ang naitala ng grupo dahil sa videos nila kung saan hinahamon nila ang isa’t isa sa iba’t ibang challenges at binibigyan ng updates ang kanilang fans sa kanilang mga personal na buhay, events, at projects. Sa ngayon, ang pinapapinanood na video ng channel ay ang The Gold Squad "Halo-Halo" Dance Tutorial Music Video, na mayroon nang higit sa limang milyong viewss.
 
Panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Subaybayan naman ang adventures ng The Gold Squad sap ag-subscribe sa kanilang YouTube channel. Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.