News Releases

English | Tagalog

MGA ALAMAT NG Adamson, makakasama nina Robi, Gretchen, at Alyssa sa “University Town”

September 06, 2019 AT 01:12 PM

Adamson legends join Robi, Gretchen, and Alyssa in "University Town"

Alamin at ma-inspire sa kanilang kwento sa pagsama kina Robi Domingo, Gretchen Ho, at Alyssa Valdez sa Adamson University ngayong Sabado (Setyembre 7) ng 1 pm sa “U-Town” sa S+A at iWant.

“U-Town,” nagbabalik para sa ika-apat na season sa ABS-CBN S+A at iWant

Kasabay ng pagbabalik ng UAAP ang muling pagsasama nina Robi Domingo, Gretchen Ho, at Alyssa Valdez para libutin ang walong campus sa nangungunang ligang pang-kolehiyo sa programang “University Town” (U-Town) sa ABS-CBN S+A at iWant.

Una nilang ibibida ngayong Sabado (Setyembre 7) ng 1 pm ang tahanan ng Soaring Falcons na Adamson University, na humubog sa magagaling na atleta tulad ng dating MVP ng Metropolitan Basketball Association na si Eddie Laure at ang sikat na spiker ng Creamline Cool Smashers na si Jema Galanza.

Sa “Adamson Represent,” ibabahagi nina Eddie at Jema ang simula ng kanilang pagabot ng pangarap bilang mga batang atleta sa Adamson at kung paano sila tinuruan ng kanilang paaralan na lumipad patungo rito.

Hindi naman magpapahuli ang mga kasalukuyang nagtataas sa bandera ng kanilang eskwela na sina Jerrick Ahanmisi, Simon Camacho, at Jerome Lastimosa ng kanilang basketball team. Ibubunyag ng tatlo ang iba-ibang paraan para mapagaan ang buhay estudyante sa “Campus Hacks.”

Samantala, makiki-ensayo naman si Alyssa sa mga reyna ng UAAP softball na isang dekada naguuwi ng korona sa Adamson. Makakasama pa ng dating UAAP volleyball MVP ang ilang mga bata upang matuto sa sport na softball mula sa mga kampeon.

Tulad sa mga nakaraang season ng “U-Town,” ipakikilala rin nina Robi at Gretchen ang mga estudyanteng dapat tularan sa kanilang galing sa labas ng sports. Isa na riyan ang Mechatronics major na si Michelangelo Barroga na nanalo sa isang international robotic competition kasama ang grupo niyang Exoid One Robotics. Maliban sa pagpapatunay sa galing ng kursong Mechanical Engineering sa kanilang paaralan, mayroon ding adbokasiya si Michelangelo kaya naman tunay siyang isang “University Lodi.”

Alamin at ma-inspire sa kanilang kwento sa pagsama kina Robi Domingo, Gretchen Ho, at Alyssa Valdez sa Adamson University ngayong Sabado (Setyembre 7) ng 1 pm sa “U-Town” sa S+A at iWant. Para sa balita sa UAAP, i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa www.abscbnpr.com.