News Releases

English | Tagalog

JMKO, Jeremy G, Miguel at Sam, magsasama-sama sa "Song Feels" concert

January 16, 2020 AT 03:25 PM

JMKO, Jeremy G, Miguel and Sam headline "Song Feels" concert

Catch JMKO, Jeremy G, Miguel, and Sam on January 24 (Friday), 8 pm at the Music Museum for their "Song Feels" concert.

Damhin ang "feels" kasama ng mga up-and-coming artists ng ABS-CBN Music!
 
Handa nang mangharana sina JMKO, Jeremy G, Miguel Odron at Sam Mangubat sa kanilang "Song Feels" concert ngayong January 24 (Biyernes) sa Music Museum.
 
Magandang pambungad sa bagong dekada ang isang gabing handog ng apat na ABS-CBN Music artists, na aawitin ang kanilang mga sariling kanta at mga paboritong love songs ng mga Pilipino.
 
Kalalabas lang ng single ni JMKO o Miko Manguba na "Aahon," matapos ang kanta niyang "Timeless" na ginamit sa advocacy video ni Miss Philippines Universe 2019 Gazini Ganados noong nakaraang taon.
 
Si Jeremy G naman, mula sa kanyang pagsali sa "The Voice Teens," ay sumasabak na rin ngayon sa pagsasayaw at pagho-host. Inilabas din noong isang taon ang kanta nila ni Jayda na "Perfectly Imperfect."
 
Mula naman sa pagiging Top 5 finalist ng "Idol Philippines," handa na rin ang Filipino-American na si Miguel Odron na mas makilala pa. Nakatakda ring i-release ang ginagawa niyang international single. 
 
Magpapasikat din ang multi-awarded singer-songwriter na si Sam Mangubat na unang nakilala bilang first runner-up sa unang season ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime." Isa ang kanta niyang "Ikaw at Ikaw Pa Rin" sa most streamed tracks sa Spotify noong 2019.
 
Magsasama-sama sina JMKO, Jeremy, Miguel at Sam sa isang gabi ng pagdadala ng "feels" sa kanilang concert sa ilalim ng direksyon ni Dido Camara at musical production ni Rey Cantong.
 
Isa lang ang "Song Feels" sa mga kaabang-abang na event sa ilalim ng ABS-CBN Music at Star Events, na layuning paangatin ang OPM sa pamamagitan ng mga kapana-panabik na Kapamilya experiences at live performances.
 
Mabibili ang tickets sa "Song Feels" concert sa halagang P3,500 (VIP with exclusive meet and greet), P2,500 (patron), and P1,000 (balcony), sa Music Museum o sa Ticketworld (8891.9999).
 
I-welcome ang panahon ng pag-ibig kasama sina JMKO, Jeremy G, Miguel, at Sam ngayong January 24 (Biyernes), 8pm sa Music Museum. Para sa iba pang detalye, i-follow ang @stareventsph on Twitter at Instagram.