News Releases

English | Tagalog

Ulirang kapatid, hinandugan ng bahay at lupa ng “Umagang Kay Ganda”

January 02, 2020 AT 07:46 AM

“Umagang Kay Ganda” rewards teen breadwinner with brand new house and lot

Next Christmas already promises to be sweeter for 14-year old Manuel Oliveros after he was chosen as the recipient of a brand new house and lot from Lumina Homes in the 2019 edition of the “12 Days of Christmas” gift-giving tradition of “Umagang Kay Ganda” (UKG).

“12 Days of Christmas” ng “UKG,” muling namigay ng regalo sa Pasko

Siguradong mas magiging komportable at masaya ang susunod na Pasko para sa pamilya ng 14 taong gulang na binatang si Manuel Oliveros, matapos siyang mapiling tumanggap ng bagong bahay at lupa mula sa Lumina Homes sa pagpapatuloy ng pamimigay ng regalo sa tradisyong “12 Days of Christmas” ng “Umagang Kay Ganda” (UKG).

Mula nang abandonahin sila ng kanilang tatay-tatayan matapos mamatay ang kanilang ina, si Manuel na ang nagpapalaki sa kanyang maliliit na mga kapatid. Aniya, dumating sa tamang panahon ang napakagandang regalong ito dahil nangangamba silang mawalan ng tahanan.

“Kasi po gigibain na rin ‘yung bahay namin, ‘yung inuupahan namin. ‘Pag nagiba po ‘yun, wala kaming malilipatan,” sabi ng binata mula Cavite, sa panayam sa kanya sa “UKG” noong Pasko.

Dagdag ng kanyang ateng si Evita, na may sarili nang pamilya, sila ay nasasabik na magsimula uli sa kanilang bagong tahanan.

“Hindi ko po masabi kung gaano po kasaya ‘yung nararamdaman ko. Masaya po ang Pasko namin kasi nakakain kami ng masarap. Binigyan kami ng pang noche buena ng ABS. Ngayon po excited ako sa bagong buhay sa bago naming bahay,” pagbabahagi niya.

Unang tinampok ang kwento ni Manuel sa programang “Mission Possible” ni Julius Babao sa ABS-CBN. Ikaapat sa pitong magkakapatid, alas sais ng umaga magising si Manuel upang mamitas ng manggang kanyang ibebenta upang may pambili sila ng pagkain. Pagkatapos nito ay aasikasuhin niya ang mga kapatid sa kanilang pagpasok sa paaralan. Minsan, nangangalakal din siya.

Malaking alalahanin para sa kanya ang planong pagdi-demolish sa bahay na kanilang tinutuluyuan ng may-ari nito. Pero hindi na ito problema dahil nakatakda na silang lumipat sa isang “Aimee” row house unit na may espasyo para sa tulugan, kainan, at palikuran ng kanyang pamilya. Maaari silang pumili sa anumang lokasyon ng Lumina Homes kung saan ang mga paaralan, ospital, at pangunahing kalsada ay madaling puntahan. Mayroon din sa komunidad na playground, basketball court, hardin, at mga tindahan para sa buong pamilya.

Ang Lumina Homes “Every Juan's Home,” ang pinakamabilis na lumaking mass housing developer na may mahigit sa 50 proyekto sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang kaibahan nito sa iba ay ang abot-kaya nitong presyo tulad ng 1,898 pesos kada buwan. Nagaalok din ito ng mga bahay sa ilalim ng Pag-IBIG financing at Easy PayLite bank financing para sa fast loan release at low monthly amortization

Bukod kay Manuel, iba pang mga indibidwal at organisasyon ang tumanggap ng sorpresa mula sa “UKG,” na labing-isang taon nang naghahatid ng impormasyon, saya, at serbisyo publiko sa pamilyang Pilipino.

Manood ng “Umagang Kay Ganda” kasama ang hosts na sina Amy Perez, Anthony Taberna, Ariel Ureta, Gretchen Ho, Jeff Canoy, Jorge Cariño, at Winnie Cordero mula Lunes hanggang Biyernes 4:55 am hanggang 8 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online via iwant.ph o skyondemand.com.ph. Para sa updates at online exclusives, sundan ang “Umagang Kay Ganda” sa Facebook (@umagangkayganda2) at Twitter (@ukgdos). I-follow din ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.