News Releases

English | Tagalog

Kwento ng mga bakwit mula sa Taal, tampok sa “#NoFilter” sa ABS-CBN

January 21, 2020 AT 04:50 PM

Taal residents ponder about their future in new “#NoFilter” docu on ABS-CBN

Award-winning documentarist Jeff Canoy will tell the story of Taal residents in the documentary titled “Araw na Walang Araw,” which is set to debut tomorrow (January 22) on ABS-CBN’s “#NoFilter” docu series.

Jeff Canoy, handog ang dokyu tungkol sa pagsabog ng bulkang Taal

Paraiso ang turing ng maraming Pilipino sa isla ng Taal, lalo na sa mga doon naninirahan. Matapos masira ang kanilang mga bahay at kabuhayan sa pagputok ng bulkan, susubukan na ngayong bumangon ng mga residente roon, maski pa hindi nila alam kung mayroon pa silang babalikan.

Ilalahad ng premyadong dokumentarista na si Jeff Canoy ang kanilang kwento sa dokumentaryong “Araw na Walang Araw” bukas (Enero 22) ng gabi sa “#NoFilter” docu series sa ABS-CBN.

Ipapakita ng dokyu ang naging karanasan ng mga taga-Taal tulad ni Nora Aquino, isang tour guide. Mistulang nagunaw ang kanilang mundo sa pagsabog ng bulkan na dahilan upang sila ay lumikas at magbago ang buhay. Ang kanyang pamangkin na si Lester Umali ay isa sa mga sumubok bumalik sa kanilang lugar para isalba ang kanilang bahay, gamit, at mga alagang hayop na naiwan.

Hindi pa tiyak ang hinaharap nina Nora, Lester, at iba pang bakwit na pansamantalang naninirahan sa evacuation centers, pero kailangan nilang hanapin ang kasagutan kung papaano sila magsisimula muli. Makikita naman ang pambihirang bayanihan ng mga Pilipino sa panahong ito, sa pagbuhos ng pagkakaisa, pagmamahal, at suporta para sa mga apektadong pamilya.

Huwag kalimutang panoorin ang isa na namang dokumentaryo mula sa #NoFilter ngayong Miyerkules (Enero 22), 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Pwede rin itong panoorin sa iWant. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @NoFilterabscbn sa Facebook, Instagram, at Twitter.
I-follow din ang ABS-CBN PR (@abscbnpr) sa Facebook, Twitter, at Instagram, or bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.