News Releases

English | Tagalog

Ianna, may hatid na good vibes sa "Pinapa" dance challenge

October 16, 2020 AT 04:47 PM

Nakahanap ng paraan ang singer na si Ianna Dela Torre para mai-share ang blessings niya sa kanyang followers sa pamamagitan ng isang dance challenge para sa kanta niyang "Pinapa."

Imbes kasi na magdaos ng enggrandeng selebrasyon para sa debut niya sana noong March kung kailan unang ipinatupad ang lockdown dahil sa COVID-19, ginawa na lang niya itong paraan para makapaghatid ng tulong at saya sa mga tao.

"'Yung manager ko na si Tito Joel saka 'yung family ko, nag-decide na maglaan ng funds para matulungan 'yung mga Kababayan natin ngayong pandemya. Gusto ko lang mag-share ng positivity at love gamit 'yung kanta," ani Ianna.

Ang "Pinapa" ang carrier single ni Ianna mula sa debut album niya na ini-release ngayong taon. Ang two-time Himig Handog finals placer na si David Dimaguila ang nagsulat ng kanta na tungkol sa millennial love-hate relationship.

“'Yung meaning po ng ‘Pinapa’ sa song ay ‘pinapatawad,’ ‘pinapakilig,’ ‘pinapasaya.’ Ang tumatak po sa akin 'yung ‘pinapatawad,’ kasi kahit marami pong nagagawang masama sa atin, magpatawad po tayo at mag-spread ng good vibes,” paliwanag ni Ianna.

Samantala, nalaman na ang mga nanalo para sa #PINAPADanceChallenge kung saan nasungkit ng Mastermind ang 1st place na may 284K YouTube at Facebook views, shares, at comments, sinundan naman sila ng 2nd placer na Sugar and Space na may 121K YT at FB views, shares, at comments, at ng 3rd placer na Kwader Knows na nakakuha ng 89K YT at FB views, shares, at comments. May 10 sumali rin ang nakatanggap ng consolation prizes, habang ang PHILXPOSE naman ang nanalo bilang “Most Creative Concept Dance Challenger.”

Panoorin ang dance video ng "Pinapa" at pakinggan ang debut album ni Ianna sa iba't ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE