News Releases

English | Tagalog

Rendisyon ni Erik ng "Walang Hanggang Paalam," swak sa damdamin ng bagong Kapamilya serye

October 02, 2020 AT 12:17 PM

Erik charges up "Walang Hanggang Paalam" with rendition of titular theme song

Listen to Erik and Lian Kyla’s solo and duet renditions of “Walang Hanggang Paalam,” out now on various digital streaming platforms.

Duet kasama si Lian Kyla dapat ding pakinggan!

Pinatunayan ulit ni Erik Santos na siya ang “King of OPM Theme Songs” sa tagos-pusong rendisyon niya ng "Walang Hanggang Paalam" para sa pinakabagong Kapamilya primetime teleserye na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Muñoz, at Angelica Panganiban.  

Bagay sa hugot ng kanta ang kumplikadong relasyon ng mag-ex na sina Celine (Angelica) at Emman (Paulo) na nagtagpo uli dahil sa isang pangyayari sangkot ang anak nila, matapos ang masakit nilang nakaraan na dahilan ng kanilang paghihiwalay. 

Ang contemporary pop music icon na si Joey Ayala ang orihinal na nagsulat at kumanta ng awitin, na ngayon ay mas nagpapainit sa mga kaabang-abang na tagpo sa serye na mapapanood sa Kapamilya Channel at pwedeng i-stream sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.  

"Thank you so much for all the wonderful feedback on #WalangHanggangPaalamOST Nakakawala ng pagod at nakakasaya ng puso," tweet ng Kapamilya singer. 

Bukod sa solong bersyon ni Erik, nag-release din ng sarili niyang bersyon ang batang singer-songwriter na si Lian Kyla. May duet din ang dalawa na lalong nagpalabas ng galing nila sa pagkanta. 

Pakinggan ang solo at duet versions nina Erik at Lian Kyla ng "Walang Hanggang Paalam" sa iba't ibang digital streaming platforms. Para sa iba pang detayle, i-like ang Star Music sa Facebook (www.fb.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).