News Releases

English | Tagalog

Hulaan at kantahan sa bagong "It's Showtime" segment na "Hide and Sing"

October 02, 2020 AT 02:01 PM

Stars and viewers play detective in "It's Showtime's" new celebrity guessing game "Hide and Sing"

Watch "Hide and Sing" every Tuesday and Thursday on "It's Showtime!"

Makakasama sa hulaan at kantahan at maging sa pagwawagi ng papremyo ang mga manonood sa pinakabagong segment ng “It’s Showtime” na “Hide and Sing” na napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWant TFC.

Sa “Hide and Sing,” isang celebrity guest ang susubukang hulaan kung sino ang tunay na celebrity singer sa tatlong misteryosong taong nakabalot ng personal protective equipment (PPE) at pawang magagaling din sa pag-awit. May pagkakataon ding manalo ng cash prize ang online viewers kapag tama ang sagot ng celebrity guest.

Naging trending agad sa Twitter sa buong mundo ang pagsisimula ng segment noong Martes (Setyembre 30) kung saan matagumpay na nahulaan ni Edward Barber na si Jona nga ang tunay na celebrity singer sa tatlong “tagokanta” sa kabila ng panlilito ng mga ito.

Sa unang round ng “Hide and Sing,” huhusgahan ng celebrity guest ang tatlong singer o “tagokanta” sa pamamagitan ng pag-oobserba sa kanilang mga boses at galaw sa isang group performance. Tutuloy naman ang lituhan at hulaan sa ikalawang round kung saan isa-isang kakanta ang tatlong “tagokanta” para ipamalas ang kanilang galing.

Sa dulo, kapag tama ang sagot ng celebrity na tagahula ay pipili siya ng apat na manonood online na mananalo ng tig-P5,000 na magpo-post ng tamang sagot gamit ang official hashtag of the day sa Twitter at Facebook.

Mapapanood ang “Hide ang Sing” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali ng Martes at Huwebes sa Jeepney TV at sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel 2, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa). 

Panoorin din ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube Channel  (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork) ng ABS-CBN Entertainment o sa iWant TFC app o iwanttfc.com.

Para sa updates, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like  ang facebook.com/ItsShowtimeNa

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE