News Releases

English | Tagalog

Boy Abunda, dadalhin ang "The Best Talk" online sa FYE Channel

October 20, 2020 AT 05:43 PM

Boy Abunda brings "The Best Talk" online via FYE Channel

Have a glimpse of Boy Abunda’s unparalled experience in “The Best Talk,” streaming live on the FYE Channel on Kumu every Saturday at 9pm beginning this October 24, with simulcast on Cinema One’s Facebook page and YouTube channel.  

Abangan ang live na usapan at masterclasses ng King of Talk sa Kumu!

Usapang showbiz, hosting at iba pa ang hatid ng nag-iisang "Asia's King of Talk" na si Boy Abunda sa bago niyang programa na "The Best Talk" sa FYE Channel simula ngayong Sabado (Oktubre 24)

Nagbabalik sa Cinema One ang beteranong talk show host matapos ang isang dekadang pagho-host niya ng "Inside the Cinema," sa pinakabagong online offering ng cable channel kung saan tampok ang mga 'unfiltered' na usapan niya kasama ang mga pinakamaiinit na artista at sikat na personalidad sa ngayon.

Bibigyan din niya ng pagkakataon para mas makilala pa ang ilang Kumu live streamers sa pag-iimbita niya sa mga ito sa kanyang show.

Bukod sa masasayang talakayan, ibibida rin ng "The Best Talk" ang live masterclass ni Tito Boy tungkol sa mga mahahalagang sangkap para maging matagumpay na talk show personality kasama ang mananalong streamer sa Kumu campaign.

Ang live program ay dumagdag sa kamakailan lang ay inilunsad na FYE Channel ng ABS-CBN sa Kumu, na naghahatid ng maraming shows kasama ng Kapamilya streamers na nagpapasaya, nagtuturo, nagbibigay-inspirasyon, at nakikipag-usap sa mga manonood gamit ang live streaming.

Alamin at matuto sa hindi mapantayang karanasan ni Boy Abunda sa "The Best Talk," tuwing 9pm ng Sabado sa FYE Channel sa Kumu na magsisimula na ngayong Oktubre 24, at mapapanood nang sabay sa Facebook page at YouTube channel ng Cinema One.

I-download ang Kumu app at sundan ang FYE Channel (fyechannel) para mapanood ang iba pang programa via livestream. Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE