News Releases

English | Tagalog

Jodi at Iza, nagsampalan at hagisan ng basahan

October 24, 2020 AT 01:58 PM

Sumabog ang mga emosyon sa harapan nina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado na nauwi sa matinding sampalan at hagisan ng basahan.  Kaya naman dalang-dala ang mga manoonood sa pinakahihintay nilang komprontasyon nina Ellice (Iza) at Marissa (Jodi) sa "Ang Sa Iyo Ay Akin."

 

Highlight din ang eksenang hinablot ni Marissa ang perlas na suot ni Ellice dala ng labis na galit sa pag-angkin ng huli sa kanyang proyekto. Pero hindi siya inurungan ni Ellice at iginiit sa dating kaibigan na lahat ng inagaw nito ay sa kanya. 

 

"Ngayon, sabihin mo sa akin ano ang mas masakit, itong sampal ko, o yung sinasabing pang-aagaw ko?" ‘Di ba masakit maagawan? And now, you know exactly what it feels like. Kaya dahan dahan ka sa pananalita mo Marissa dahil ako wala akong inaagaw sa iyo.Project mo? I own Cenidoza and you work for me. Kaya technically lahat ng projects mo, akin. The company? Mine. The father of your child? Still mine. Lahat ng inaangkin mo at ipinipilit mong iyo ay akin."

 

Samantala, nitong Biyernes tuluyan nang pinatalsik ni Ellice si Marissa sa kompanya at isa na namang kumprontasyon ang naganap sa pagitan ng dalawa.

 

"Wala kang utang na loob. Ingrata ka," sigaw ni Marissa.

 

"That doesn't give you the license to seduce my husband. Para magpabuntis sa kanya at para sirain ang pamilya ko," balik ni Ellice.

 

Hindi nagtagal, dinampot ni Ellice ang basahan para ihagis kay Marissa ang sinabing "alam mo naman siguro kung para saan ang basahan, pampunas ng mga dumi." 

 

Ngayong natanggal na si Marissa sa kumpanya, ano ang susunod niyang hakbang? 

 

Samantala, labis na kinapitan ng viewers ang eksena nitong Huwebes at  Biyernes dahil sa ipinamalas na husay nina Iza at Jodi, kaya naman nagtrending ang hit serye nationwide sa Twitter. Pumalo ng 1.5 million combined views mula sa Facebook page at YouTube Channel ang episode noong Huwebes sa loob ng wala pang 24 oras. 

 

Pahayag ni @teensisforJodi, " Kudos to the whole team of ASIAA! From the writers, creatives, wardrobe, and actors! Ibang klase! Shoutout po kay Marissa

@JodiStaMaria and Ellice @MissIzaCalzado sa superb acting!"

 

"Grabe ang galing! Yung linyahan talaga! Intense! @MissIzaCalzado @JodiStaMaria #ASIAAeskandalo," sabi ni @khrizelle20.

 

Para kay @JannieChrissie, " Iba talaga ang Jodi Sta. Maria at Iza Calzado. Ramdam na ramdam ang bawat eksea. The best talaga. Kaabang-abang ang mga pangyayari."

 

Huwag kalimutang sundan ang walang tigil na madramang mga tagpo sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa A2Z channel sa marathon telecast nito tuwing weekend at ang bagong episodes nito gabi-gabi.

 

Ang A2Z channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

 

Patuloy pa rin itong mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.