News Releases

English | Tagalog

JMKO, humakot ng mahigit 100k viewers sa exclusive TikTok concert

October 28, 2020 AT 12:58 PM

JMKO's virtual concert on TikTok reaches over 100k viewers

Stream JMKO’s latest single “Bakit Pa Ba” on Spotify, Apple Music, and other digital music platforms.

Latest single na “Bakit Pa Ba,” nanguna sa “Pinoy Covers” playlist ng Spotify PH
 
Hindi na talaga mapigilan ang pagsikat ng singer-songwriter na si JMKO sa video-sharing app na Tiktok na makikita sa tagumpay ng virtual concert niya na #JMKOSessions noong October 9.
 
Mahigit 103.6k viewers ang tumutok sa eksklusibong digital concert niya na ipinrodyus ng Star Music kasama ang TikTok at nagsilbing launch ng bersyon niya ng R&B classic ni Jay R na “Bakit Pa Ba.”
 
“Overwhelmed pa rin ako sa suporta ng TikTok at Star Music lalo na at first time kong mag-livestream. Masaya ako kasi at least nakapag-give back ako sa mga supporters ko sa TikTok dahil sa performances ko," ani JMKO, na meron nang 1.8 million followers at mahigit 22 million likes sa TikTok.
 

Samantala, maganda rin ang feedback ng Spotify Philippines sa revival niya ng “Bakit Pa Ba” na siya mismo ang nag-arrange. Naitampok siya bilang cover ng editorial playlist na “Pinoy Covers” at naging number 1 din ang kanta niya rito. Na-feature din ang kanta sa “New Music Friday” at “Pinoy Vibes” editorial playlists. 
 
"Bukod sa pagiging isa sa mga interpreters ng Himig 11th edition na sobrang excited ako, open din ako sa collaborations with fellow Pinoy artists saka sana sa mga international singers din na nakilala ko sa TikTok,” ani JMKO sa kung ano'ng dapat abangan sa kanya.
 
Ilan pa sa mga kanta ni JMKO ang “Aahon” at “Timeless” kung saan nakasama niya si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados. 
 
Pakinggan ang latest single ni JMKO na “Bakit Pa Ba” sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital music platforms. Para sa updates, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE