News Releases

English | Tagalog

Piolo naglabas ng bagong awitin na "Iiyak sa Ulan"

October 30, 2020 AT 01:56 PM

Piolo releases new song "Iiyak sa Ulan"

"Iiyak sa Ulan" will be part of Piolo's upcoming album under Star Music.

Bahagi ng kanyang upcoming album


Naglunsad si Piolo Pascual ng isang masakit sa pusong kanta na “Iiyak Sa Ulan,” na magiging lead single ng kanyang upcoming album handog ng Star Music.
 
Tungkol ang bagong awitin sa sakit na nararamdaman ng isang tao na pilit niyang itinatago sa luhang dumadaloy kasabay ng ulan. Sa kabila nito, may hatid na pag-asa ang kanta na magiging maayos din ang lahat pag naglaon.

 
Bahagi ang “Iiyak sa Ulan” sa inaabangang all-original album na Piolo na kasalukuyan niyang pinaghahandaan. Bukod sa kanyang solo renditions, tampok sa album ang duet niya kasama ang iba’t ibang local female artists.
 
Huling all-original album ng Kapamilya singer ang “Timeless” na inilunsad noong 2007, habang taong 2012 naman noong huli siyang naglabas ng compilation album na pinamagatang “Decades III.” Ilan sa mga sumikat niyang kanta ang “Kailangan Kita” at “Paano Ba Ang Magmahal.”
 
Samantala, mapapanood ang actor-singer bilang special guest sa susunod na episode ng “Dear Charo” na ipapalabas sa kumu @fyechannel sa Lunes (Nobyembre 2), 8pm.
 
Pakinggan ang “Iiyak sa Ulan” single ni Piolo na available na ngayon sa digital music streaming platforms. Para sa detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).