News Releases

English | Tagalog

Bagong digital channels ng ABS-CBN na FYE, Game KNB, at MYX PH, mapapanood na sa Kumu

October 08, 2020 AT 02:28 PM

ABS-CBN introduces FYE, Game KNB, and MYX PH channels on Kumu

Kapamilya stars now streamers on FYE Channel!

Kapamilya stars, streamers na rin sa FYE Channel!
 
Tuluyan pang pinalalakas ng ABS-CBN ang livestream entertainment offerings nito sa paglulunsad ng tatlong digital channels na For Your Entertainment (FYE), Game KNB, at MYX PH, tampok ang all-original content na mapapanood ng mga Pilipino nasaan man silang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng community platform na Kumu.
 
Hatid ng bonggang proyekto ang Kapamilya personalities na ngayon ay streamers na rin tulad nina Angelica Panganiban, Bianca Gonzalez, Ces Drilon, at Robi Domingo sa iba’t ibang kuwelang programa sa Kumu.
 
Handa na ang “Game KNB?” (@gknb) na maghatid ng makabagong game show experience sa mga manonood sa pag-arangkada nito sa Kumu Lunes hanggang Biyernes, 12nn simula Oktubre 12.
 
Madali lang sumali sa palaro at manalo ng hanggang Php 10K araw-araw sa unang season nito. Mapapanood din ang pagbabalik ng pambansang game show sa Jeepney TV, kasama ang bagong host nito na si Robi Domingo.
 
Samantala, nagsimula lamang noong Hulyo ang FYE (@fyechannel) pero mayroon na itong 120K followers na inaabangan ang celebrity streamers sa paghahatid nila ng good vibes, mga palaro, at performances.
 
Puno ng katatawanan ang mga programang “Awaaards Night,” “Kwentong Macoy,” “Pop-Up Comedy Bar,” at “Lakas Tawa.” Tampok naman ang mga artista na ka-interact ang kanilang fans sa “Ambagets, “RISE Here, Right Now,” and “We RISE Together.” Masasayang kwentuhan ang hatid ng “Bawal Ma-Stress Drilon,” “Hey Hershey,” “Kumustahan with Fr. Tito Caluag,” “Metro Chats,” “Metro K-Drama Club,” “MYXclusive,” “Pop Cinema,” “Secret Ladies Club,” “Talak ni Mameh Grace,” and “The Best Talk.” May dala namang beauty at fashion tips ang “Beauty and the Besh,” “Manhacks” at “Style Me Now,” at positive vibes ang “Chink Positive” at ang “Hanz Swerte! Hanz Saya!”
 
Nagsimula na rin ang nangungunang music channel ng bansa na MYX Philippines (@myxph) sa paghahandog ng mga eksklusibong programa sa Kumu. 
 
Kakalunsad lang nito ng “Make It Mondays,” isang weekly talk show kasama ang host na si Dani Mortel. Tampok naman ang nakakagiliw na tugtugan sa “MYX Fullscreen,” at pop culture challenge sa “Pop Quiz” kasama ang host na si Ai dela Cruz tuwing weekend.
 
Handog ang FYE, GKNB, at MYX PH ng ABS-CBN subsidiary na Creative Programs, Inc. na naghahatid ng content mula sa cable channels na Jeepney TV at Cinema One, premium lifestyle brand na Metro, men’s lifestyle guide na ANCX,  Kapamilya publishing arm na ABS-CBN Books, at Rise Artists Studio ng Star Cinema.
 
Magdownload na ng Kumu at sundan ang FYE Channel @fyechannel, “Game KNB?” @gknb, at MYX @myxph para mapanood ang masasayang Kapamilya livestream.