News Releases

English | Tagalog

Iza, nagmahal ng mas bata sa "Loving Emily" ng iWantTFC

November 16, 2020 AT 06:05 PM

Iza confronts midlife crisis, falls in love with younger man in iWantTFC's "Loving Emily"

“Loving Emily” is directed by Gerardo Calagui and also stars Christian Vasquez, Ruby Ruiz, Anne Feo, JJ Quilantang, Claire Ruiz, and Heaven Peralejo.

Mapipiplitan si Iza Calzado na mamili sa pagitan ng miserable niyang buhay kasama ang pamilya at ng isang bagong simula kasama ang nakababatang lalaking (Jameson Blake) mahal siya sa “Loving Emily,” ang pinakabagong original series ng iWantTFC na mapapanood na simula Nobyembre 18.

Nasa 40s na si Emily (Iza) at tila perpekto ang buhay sa social media, ngunit sa totoong buhay ay hindi siya masaya. Lalo pang lalala ang kanyang nararamdamang lumbay nang malaman niyang may kabit ang kanyang asawa (Epy Quizon) ngunit hindi niya ito kayang komprontahin.

Matapos pumanaw ang ama ni Emily, babalik siya sa kinalakahihan niyang lugar ngunit haharapin din niya ang isang mabigat na katotohanan: Hindi lang ang ama niya ang patay, ngunit pati na ang buhay na minsan na niyang pinangarap, ang pamilya niya, at ang buhay niyang puno ng kasinungalingan.

Sa gitna ng byahe at pagtatanto niyang ito ay makikilala niya ang binatang si Vince (Jameson) na mas bata ng halos 20 taon sa kanya. Kinabukasan, magigising na lang si Emily sa isang kama katabi si Vince sa isang hotel.

Sa pagyanig ni Vince sa mundo ni Emily, makikita nitong hindi pa katapusan ng buhay niya dahil marami pang dahilan para sumaya at umibig.

Pero kailangang pumili ni Emily: ang manatiling nagdurusa kasama ang pamilya niya o iwan sila para sumama kay Vince, kahit na hindi sigurado ang haharaping buhay.

Ano ang kayang ibigay ni Emily para makatagpo ng pag-ibig na kukumpleto sa kanya?

Ang “Loving Emily” ay idinirek ni Gerardo Calagui. Kasama rin sa cast sina Christian Vasquez, Ruby Ruiz, Anne Feo, JJ Quilantang, Claire Ruiz, at Heaven Peralejo.

Mapapanood na ng stardard at premium subscribers ang sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE