News Releases

English | Tagalog

Jed, hangad ang makabuluhang selebrasyon ng Pasko sa bagong single na "A Very Merry Christmas"

November 16, 2020 AT 01:48 PM

Jed fuels meaningful Christmas celebration with new song "A Very Merry Christmas"

Embrace the spirit of Christmas and stream Jed’s “A Very Merry Christmas,” out on various digital music streaming platforms this Friday (November 20).

Hatid ni Jed Madela ang mensahe ng makabuluhang pagdiriwang ng Pasko sa bago niyang Christmas single na “A Very Merry Christmas,” na mapapakinggan na ngayong Biyernes (Nobyembre 20).

“Dahil sa kantang ‘to naisip ko kung gaano ba kasimple ang buhay. Na-appreciate ko kung ano ‘yung mga meron ako, ‘yung mga bagay na binabalewala ko lang,” ani Jed.

“Dasal ko na kapag pinakinggan ito ng mga tao, maramdaman din nila ‘yun. Sana maibalik nito ‘yung totoong halaga at mga tradisyon ng Pasko, ang pag-ibig,” dagdag niya, at sinabing ang Pasko ay panahon para magmahalan.

Isinulat nina Jimmy Borja at Eymard Altoveros at iprinodyus ng ABS-CBN creative director na si Jonathan Manalo ang “A Very Merry Christmas,” na pinakabagong kantang pamasko mula sa Star Music.

Nitong Hunyo, idinaos ni Jed ang kanyang “New Normal” digital concert, na isa sa mga pinakaunang digital concerts na ekslusibong napanood sa KTX.ph. Noong Pebrero 2019 naman inilabas ang pinakahuli niyang album mula sa Star Music na “Superhero,” tampok ang mga kanta gaya ng “Be With You Again,” “Superman,” “Superhero,” “I Got Your Back,” “You Were Mine,” at “Di Matitinag.” 

Yakapin ang Christmas spirit at pakinggan ang “A Very Merry Christmas” ni Jed sa iba’t ibang digital music streaming platforms sa Biyernes (Nobyembre 20). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH). 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE