News Releases

English | Tagalog

Team LAYF, bida sa huling "PILIkula" ngayong taon

November 19, 2020 AT 02:39 PM

Bibida sina Lou Yanong, Andre Brouilette, Yamyam Gucong, at Fumiya Sankai sa pinakamalaki at huling PILIkula ng ABS-CBN ngayong taon na "Still Connected" ngayong Nobyembre 21 (Sabado).  

 

Matapos makakuha ng pinakamataas na combined KUMU at KTX votes, natalo ng Team LAYF ang past Big Four batches ng PBB Otso na 4G, TBAY, at LEAD para masungkit ang pagganap sa huling PILIkula ngayong taon at makakasam dil nila ang Ultimate Bida Star winner na si Cherry Mendoza. 

 

Gaganap ang apat bilang ang sikat na vlogger group na Team Buhay na sina Bianca (Lou), Ayden (Andre), Hector (Yamyam), at Uri (Fumiya). 

 

Isang pagsubok ang haharapin ng grupo nang tapusin nina Bianca at Ayden ang kanilang relasyon. Hindi naman papayag sina Hector at Uri na mabuwag ang kanilang grupo kaya naman gagawa sila ng paraan para mapagbati ang dalawa.At sa pagpasok ng bagong kaibigan ni Ayden na si Apple, mas naging matindi ang pagtatampo ni Bianca sa grupo. Huli na nga ba ang lahat para sa Team Buhay? Mabubuwag ba ang kanilang pagkakaibigan?

 

Katulad ng ibang PILIkula, nasa kamay ng KUMU viewers ang kwento ng "Still Connected." 

 

Samantala, maari makasama ng fans ng Team LAYF ang buong cast virtually sa isang digital premiere sa Nobyembre 21 (Sabado) kung bibili sila ng tickets sa KTX sa halagang P150. 

 

Mapapanood ang "Still Connected" sa ABS-CBN Star Hunt YouTube Channel at Online Kapamilya Shows (OKS.abs-cbn.com).  

 

Kasama ang “PILIKula” sa humahabang listahan ng digital content ng OKS (Online Kapamilya Shows). Isa lang "PILIkula" sa madaming projects na ginagawa ng TVDG.  Ilan sa mga naging matagumpay na PILIkula ngayong taon ay ang "The Ghost of the Past" nina Karina Bautista at Aljon Mendoza, "Wedding Dress for Sale" nina Diana Mackey at Brian Gocheco, "Ivy Lives" ni Lou Yanong, at "Ado-boo nina Ashley del Mundo at Tan Rocal. 

 

Para sa updates, i-follow ang ABS-CBN PR sa Facbeook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).