News Releases

English | Tagalog

Galing nina Zsa Zsa at KZ sa hulaan masusubukan sa "I Can See Your Voice"

November 20, 2020 AT 10:39 AM

Nagbabalik sina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan para subukin ang kanilang galing sa panghuhula sa paboritong mystery game show ng bansa na "I Can See Your Voice" na napapanood na rin sa A2Z channel sa mga digital TV boxes gaya ng TVplus.

 

Siguradong masusubukan ang mga see-cret songers ng mga bagong pakulo ngayong ikatlong season ng game show. Hahatiin na sila sa dalawang grupo at sa unang round pa lamang, sasabak na agad sila sa lipsync performances. 

 

Makakasama pa rin ngayong linggo si Jona ng sing-vestigators na sina Long Mejia, Negi, Kaladkaren, Andrew E, at Nikko Natividad. 

 

Bukod dito, abangan din ang pagbabahagi ni KZ ng kanilang “new normal” wedding ng asawang si TJ Monterde. Samantala, alamin din ang kwento ni Zsa Zsa tungkol sa buhay probinsya at vlog niya. 

 

Panoorin kung see-nger nga ang mapili nina KZ at Zsazsa sa "I Can See Your Voice  ngayong Sabado, 7:45 PM, at Linggo 7:15 PM sa A2Z channel.

 

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

 

Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing weekend sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

 

 

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app o iwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom