News Releases

English | Tagalog

Jodi, nagbabalik bansa para sirain ang buhay ni Iza sa "Ang Sa Iyo Ay Akin"

November 21, 2020 AT 02:13 PM

Matapos magtayo ng isang kumpanya para labanan ang Ceñidoza’s Pearls, nagbabalik si Jodi (Marissa) para tuluyan nang wasakin ang buhay ni Iza (Ellice) sa "Ang Sa Iyo Ay Akin" na napapanood na sa A2Z channel sa digital TV boxes gaya ng TVplus. 

Ibinulgar na sa episode nitong Biyernes (Nobyembre 20) na si  Marissa ang may-ari ng La Sierra.

Kahit wala pa siya sa bansa, pinramdam na niya kay Ellice ang hagupit ng kanyang paghihiganti matapos kunin ang kumpanya ni Gabriel (Sam Milby) bilang contractor ng branches nito, na siya naman naging mitsa ng away ng mag-asawa. 

Sa huli, nagkaayos namang muli ang dalawa at naisipan ni Gabriel na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang relasyon.  

Sa kabilang banda naman, napatawad na ni Hope (Kira Balinger) si Jake (Grae Fernandez) matapos patunayan ng huli na hindi siya ang nagkalat ng chismis tungkol sa dalaga.

Maging matagumpay kaya ang pagihhiganti ni Marissa? Sa kanyang pagbabalik, maunsiyami kaya ang plano ni Gabriel na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang pagsasama nila ni Ellice? 

Patuloy na panoorin ang pangalawang yugto ng "Ang Sa Iyo Ay Akin" gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app o iwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom