News Releases

English | Tagalog

Kokoy, malilito ang puso kina Barbie at Alex sa "Oh, Mando" ng iWant TFC

November 04, 2020 AT 05:54 PM

Kokoy gets stuck in love triangle between Barbie and Alex in iWant TFC's "Oh, Mando"

Also starring Barbie Imperial and Alex Diaz

Malilito ang puso't isipan ng isang binata sa pagmamahal niya sa isang babae at kapwa lalaki sa original series na "Oh, Mando," tampok sina Barbie Imperial, Alex Diaz, at Kokoy De Santos na mapapanood simula ngayong Miyerkules (Nobyembre 5) sa iWant TFC streaming service.

Ilaladlad ng serye ang kwento ni Mando (Kokoy), isang college student at hopeless romantic na pilit na itinatago ang pagtingin niya para sa mga lalaki.

Sa kabila ng pagkalito niya sa kanyang sekswalidad, mapapalapit ang loob niya sa maganda at liberated na si Krisha (Barbie) matapos nilang magkakilala sa isang school play. Hindi naman magtatagal ay magiging sila, habang patuloy na itinatago ni Mando ang sikreto niya mula sa bago niyang girlfriend.

Sa panahon namang unti-unti na niyang minamahal si Krisha, magbabago ang mundo ni Mando nang makilala niya si Barry (Alex), isang gwapong atleta na “out and proud” sa pagiging bakla nito.

Dito naman magsisimula ang mga problema ni Mando dahil malilito siya kung alin ang pipiliin – ang panindigan ang relasyon nila ni Krisha o ilantad ang tunay niyang nararamdaman para kay Barry. 

Sino nga ba ang tunay na isinisigaw ng puso ni Mando?

Ang serye ay sa ilalim ng direksyon ni Eduardo Roy Jr., ang award-winning director ng “Pamilya Ordinaryo,” “Lola Igna,” “Bahay Bata,” “Quick Change,” at “F#*@BOIS.”

Mapapanood ng standard at premium subscribers ang “Oh, Mando” simula ngayong Miyerkules (Nobyembre 5) sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.