News Releases

English | Tagalog

Yassi, bumabalik na ba ang pagtingin kay Richard sa "FPJ's Ang Probinsyano"?

November 06, 2020 AT 10:54 AM

Is Yassi falling back in love with Richard in "FPJ's Ang Probinsyano"?

Alyana gets carried away by her dream!

Isang nakakadalang panaginip ang pumukaw sa natutulog na damdamin ni Alyana (Yassi Pressman) para kay Lito at maaaring bumago sa pagsasama nila ng asawang si Cardo (Coco Martin) sa Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
 
Nagkatampuhan nga ang mag-asawa bago pumasok sa trabaho si Alyana nang suutin nito ang isang seksing damit na ibinigay sa kanya ni Lito, at mariing tinutulan naman ni Cardo.
 
Ang hindi alam ni Cardo, sa umagang iyon ay ganadong bumangon si Alyana matapos nitong mapanaginipan ang dating kasintahan. Sa panaginip, binigyan siya nito ng mga alahas, ipinagtapat ang pag-ibig nito sa kanya, at pinangakuang tutuparin ang mga pangarap nila noong mga bata pa sila.
 
Hindi naman nakalampas kay Lito ang suot ni Alyana at pinuri ito, tsaka inimbitahang sumama sa kanya sa isang construction site kung saan sila mamalagi ng ilang araw at itatayo ang susunod na proyekto ng kanyang kumpanya.
 
Ito ay isa lamang sa mga hakbang ni Lito para dahan-dahang pahulugin ang loob sa kanya ni Alyana hanggang sa bumalik ang dating nararamdaman nito.
 
Tuluyan na kayang madala si Alyana ng kanyang panaginip? Hanggang kailan itatago ni Alyana kay Cardo ang tunay na nakaraan nila ni Lito?
 
Panoorin gabi-gabi ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel 11 analog TV sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Available din ito sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.
 
Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.