News Releases

English | Tagalog

'Inagaw Mo ang Lahat sa Akin' nina Snooky at Maricel mapapanood sa KTX.ph

December 16, 2020 AT 01:41 PM

Digitally-restored 'Inagaw Mo ang Lahat sa Akin' premieres on KTX.ph

Visit https://bit.ly/InagawPremiereKTX to avail of your online tickets.

Showing na ngayong Huwebes, Disyembre 17

Ang pinag-usapang '90s movie na "Inagaw Mo ang Lahat Sa Akin," tampok ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Snooky Serna, ay magbabalik sa premiere ng digitally restored version nito mula sa ABS-CBN Film Restoration sa KTX.PH sa Disyembre 17.

Hatid ng obra nina Oscar Miranda, Bibeth Orteza, at Carlos Siguion-Reyna ang magkaribal na magkapatid—si Jacinta (Maricel Soriano) at Clarita (Snooky) na magbabago ang landas sa buhay nang iwan ng huli ang buhay probinsya para makapag-asawa ng mayaman sa siyudad. 

Sa pagbabalik ni Clarita kasama ang kanyang asawa para asikasuhin ang mga papeles ng kanilang lupa, kanya ring haharapin ang galit ng kanyang kapatid. Hindi magtatagal bago mabunyag ang iskandalo mula sa kanilang nakaraan. Ito na rin ang magiging mitsa ng kanilang pag-aaway.

Kasama rin sa pelikula sina Tirso Cruz III, Eric Quizon, Robert Arevalo, at Armida Siguion-Reyna.

Panoorin ang premiere nito sa KTX.PH sa Disyembre 17 (Huwebes), 7:30 PM sa halagang P150. Lahat ng manonood ng premiere ay may pagkakataon ring makita ang mini-reunion ng cast na sina Snooky Serna, Tirso Cruz III, Eric Quizon, at Maricel Soriano, kasama ang direktor nito na si Carlos Siguion-Reyna at ang isa sa sumulat nito na si Bibeth Orteza. 

Pagkatapos ng premiere, mapapanood na ito on-demand simula Disyembre 18, (Biyernes) 10 AM hanggang Disyembre 20 (Linggo) at sa iWantTFC at TFC IPTV simula 10 AM sa Disyembre 19 (Sabado). Mapapanood ito sa loob ng 48 oras matapos bilhin ang ticket.

Bisitahin lamang ang https://bit.ly/InagawPremiereKTX para sa tickets.

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa "Sagip Pelikula," i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration). 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE