News Releases

English | Tagalog

BrightWin ng "2gether," makaka-bonding na ang Pinoy fans sa virtual fan meet

December 02, 2020 AT 02:30 PM

Performances, games await Pinoy fans in BrightWin's live virtual fan meet

Last few days to purchase regular tickets via KTX.ph

Makaka-bonding na ng Pinoy fans ang Thai heartthrobs at “2gether” stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin dahil maaari pang bumili ng tickets para sa "BrightWin Manila Live: The Virtual Fan Meet" na gaganapin na ngayong Sabado (Disyembre 5) ng 5 PM.

Available ang regular tickets sa halagang P699 sa KTX.ph para sa mga gustong mapanood ang BrightWin sa inihanda nilang mga laro, song performances, at chikahan.

Makakasali naman sa mga laro ang VIP ticket holders at ilan din sa kanila ay swerteng mapipili upang magtanong sa Thai stars.

Ang virtual fan meet ay eksklusibong mapapanood ng fans na nasa Pilipinas. Handog ito ng Dreamscape Entertainment, ABS-CBN Events, at Thai content company na GMMTV.

Noong Hunyo, nakasama na rin ng Filipino fans ang sikat na Thai actors sa unang live interview nila sa Pilipinas na pinangunahan ng ABS-CBN.

Sa kasalukuyan, napapanood pa rin sa iWantTFC streaming service ng ABS-CBN ang trending series nilang “2gether The Series” at ang sequel nitong “Still 2gether” sa parehong Tagalized version at orihinal na Thai version nila.

Para makakuha ng updates, sundan ang Dreamscape Entertainment at KTX.ph sa Facebook at @dreamscapePH sa Twitter at Instagram.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE