News Releases

English | Tagalog

Justin, humingi ng tawad kay Jie-Ann sa “PBB Connect”

December 23, 2020 AT 01:00 PM

Justin apologizes to Jie-Ann in “PBB Connect”

“PBB Connect” housemate Justin Dizon has apologized to fellow housemate Jie-Ann Armero after realizing his mistake in joking about his housemate not taking daily baths.

Kuya, pinaalala kay Justin ang kahalagahan ng respeto at pag-uunawa sa kapwa
 
Humingi na ng patawad ang “PBB Connect” housemate na si Justin Dizon sa kanyang mga nabitawang salita kay Jie-Ann Armero kaugnay sa hindi madalas na pagligo ng kapwa housemate.  
 
Ani Justin kay Jie-Ann, na naging malapit na niyang kaibigan sa loob ng Bahay ni Kuya, “I really lacked understanding na we don’t live in the same house. If ever you felt offended with those jokes, I wanna say sorry. I forgot to realize na iba tayo ng environment. I wanna say sorry because they were insensitive. I’ll try my best to be more sensitive with how you feel.”
 
Sa episode na ipinalabas sa programa kagabi (Disyembre 18), nilapitan ni Justin si Jie-Ann, na noo’y dinadamayan ng iba pang housemates matapos makitang malungkot. Ipinaliwanag ng “Kwelang Fangirl ng Sarangani” na hindi niya nakasanayan ang pagligo araw-araw dahil kinakailangan nilang bumili ng tubig.
 
Kwento ni Jie-Ann, P12 kada lalagyan ang binibili nila kaya’t tinitipid ng kanyang pamilya ang kanilang tubig sa bahay.
 
Naging usap-usapan ng mga netizen sina Justin at Jie-Ann kamakailan lang nang kumalat ang isang bahagi ng livestream kung saan tila bang nakapagsalita ng masakit si Justin kay Jie-Ann kaugnay ng hindi niya pagligo. Pero napagtanto ni Justin na mali ang kanyang naging pagtrato kay Jie-Ann kahit pa nagbibiruan silang dalawa kaya humingi ito ng tawad.
 
Binigyang diin din ni Kuya sa housemates at viewers ang kahalagahan ng respeto at pag-uunawa sa kapwa.
 
“Tinipon ko kayo rito sa aking bahay na may iba’t ibang pinangalingan, kultura, tradisyon sa pamumuhay, ugaling kinagisnan, at pang araw-araw na pinagdaraanan. Sa nangyaring ito, hangad ko na hindi lang na mas makilala pa ninyo ang isa’t isa, kundi ang igalang niyo rin ang pagkakaiba ng bawat isa at matutong rumespeto at umunawa dahil kayo ay magkakaiba ng pinagdaraanan. Sa ganitong paraan, mas titibay ang inyong samahan,” sabi ni Kuya sa housemates.
 
Samantala, ipinakilala na kahapon sa “BB Kumunect Tayo Afternoon Show” nina Melai Cantiveros at Enchong Dee ang ika-15 official housemate ng season na si Ralph Malibunas, “Ang Na-Nice Boy Nanny ng France.” Ibinalita rin nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo sa “PBB Kumunect Tayo” sa primetime na 14 na lamang ang natitirang aspiring housemate sa Kumu na maaring makapasok sa bahay ni Kuya.
 
Tutukan ang iba pang pangyayari sa “PBB Connect” sa primetime, 8:30 pm sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (weekdays) at 8:30 pm (weekends) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).
 
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.