News Releases

English | Tagalog

Justin Dizon, unang na-evict sa "PBB Connect"

December 28, 2020 AT 05:43 PM

Justin Dizon is first evictee of "PBB Connect"

“PBB’s” Justin Dizon will be spending the New Year with his family as he is now an ex-housemate after being the first evictee of “PBB Connect” during the show’s live eviction night yesterday (December 27).

Tatlong bagong housemate, naghahanda na sa pagpasok sa ‘PBB’ house
 
Nagpaalam na sa bahay ni Kuya kagabi (Disyembre 27) si Justin Dizon bilang unang evictee ng “PBB Connect” makatapos makakuha ng -2% ng pinagsamang Kumu at text votes.
 
Ibig sabihin nito, mas maraming votes to evict na natanggap si Justin kaysa sa votes to save. Nakakuha naman ng combined Kumu at text votes si Mika Pajares ng 3.30%, habang 12.64% ang natanggap ni Aizyl Tandugon.
 
Kahit siya ang kauna-unahang pinauwi ng taumbayan at Kumunity, bakas sa mukha ni Justin ang pasasalamat na maging bahagi ng “PBB Connect.” Ani Justin, ang mahalaga ay nagpakatotoo siya.
 
“Despite what transpired in the house, I just want to say I kept it real. I came here to be me. I came here to be honest. Ang importante ay nagpakatotoo ako at babaunin ko ang lahat ng natutunan ko kay Kuya pati sa kapwa housemates ko,” paliwanag ni Justin.
 
Dahil sa pagkaka-evict ni Justin, ligtas na muli ang housemates na sina Aizyl at Mika, pero magkakaroon na muli ng second nomination night ngayong gabi (Disyembre 28).
 
Samantala, may tatlo pang official housemates na papasok sa bahay ni Kuya na napili ng PBB Kumunity mula sa 117 aspirants sa Kumu. Kasalukuyang nasa quarantine na sina Amanda Zamora ng San Juan City at Glenda Victorio ng Rizal matapos pumasa sa medical, psychological, at COVID tests, habang hinihintay na lamang na makarating si Gail Banawis mula sa New York City.
 
Mainit ang naging suporta ng PBB Kumunity sa 117 aspiring housemates dahil nakalikom ang “PBB Connect” ng kabuuang na 1,107,881,850 diamonds.
 
Sino-sino kaya ang susunod na housemates ang magiging nominado for eviction? Kailan papasok sa bahay ni Kuya ang tatlong bagong housemate?
Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,”  10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).
 
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE