News Releases

English | Tagalog

"Pasko Pa Rin," sey ni Cha-Cha Canete sa bagong single

December 03, 2020 AT 01:00 PM

Cha-Cha Canete keeps Christmas alive with new single "Pasko Pa Rin"

Look forward to a merry Christmas celebration with Cha-Cha Cañete’s “Pasko Pa Rin,” out now on various digital music streaming platforms.

Bagong Star Pop artist may napapanahong holiday song

May napapanahon at patok na Christmas single ang dating “Goin’ Bulilit” star na si Cha-cha Cañete, ang awiting “Pasko Pa Rin” mula sa Star Pop.

Ang multi-awarded composer na si Jungee Marcelo ang nag-compose ng kanta na tungkol sa kahalagahan ng pagdiriwang ng Pasko sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok ng marami ngayong taon.

Relate at bilib ang netizens sa mensahe ng kanta at sa singing talent ni Cha-Cha.

“Ang galing ng song at music vid. Feels like Sarah G and Janella Salvador in one. Way to go #ChachaCañete! No matter what happens, totoong #PaskoPaRin! Ang kapaskuhan ay nasa puso nating lahat,” comment ni Manuel Villavicencio sa YouTube.

“’Yan ‘yung kanta na akma talaga sa nangyayari ngayon... Haixt... Pero life must go on, Pasko ay Pasko pa rin kahit anong mangyari,” sey ni Beverly Ann Villamante.

“Ang galing! Very catchy! Share ko ito! Kailangan natin itong lahat! Salamat,” dagdag ng isang netizen.

Pagkatapos mapasama sa mga child-friendly shows na “Goin’ Bulilit,” “Biyaheng Bulilit,” at “Kulilits,” nag-release si Cha-Cha ng debut single niyang “Bakit o Bakit” under Star Records noong 2012. Simula noon, nanalo na siya sa mga international singing competitions gaya ng 2013 World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Los Angeles, California, USA, at ang 2014 Europop sa Berlin, Germany.

Abangan ang masayang selebrasyon ng Pasko kasama si Cha-Cha at ang single niyang “Pasko Pa Rin,” na mapapakinggan na sa iba’t ibang digita music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at Instagram (@starpopph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE