News Releases

English | Tagalog

Sam, buking ni Kira na may anak kay Jodi

December 03, 2020 AT 12:57 PM

Nabuking na ni Hope (Kira Balinger) ang amang si Gabriel (Sam Milby) sa katotohanang may anak ito kay Marissa (Jodi Sta. Maria) matapos marinig ng dalaga ang pag-uusap ng kanyang mga magulang nitong Miyerkules (Disyembre 2) sa "Ang Sa Iyo Ay Akin."

“I always knew that you had a problem with your marriage.  Kaya pala ganun ang trato mo kay mom, dahil nambabae ka. Nagkaroon ka pa ng anak sa labas,” galit na galit na sumbat ni Hope.

Unti-unti na sanang naaayos ang pagsasama nina Ellice at Gabriel, ngunit nanganganib itong masira sa pagbabalik ni Marissa, na determinadong agawin ang huli sa asawa. 

Samantala, pilit na isinasabwat ni Marissa ang anak na si Jake (Grae Fernandez) sa kanyang mga balak laban kay Ellice kahit labag sa kalooban ng binata—gusto ni Marissa na ipakilala si Jake kay Gabriel bilang si Jacob.

“It’s about time, that we fulfill our plan. Nagdadalwang isip ka ba because he is also Hope’s father,” tanong ni Marissa sa anak.

“Ayoko lang siyang saktan, Ibu. She has nothing to do with what her parents did,” sabi ni Jake.

“Jake, pinag-usapan na natin ito bago tayo umuwi dito, hindi ba? Don’t tell me you’re throwing away everything just because of her,” sumbat ni Marissa.

Malaman kaya ni Hope na ang naging karelasyon ng kanyang ama ay ang ina ni Jake? 

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.

Panoorin ang nalalapit na paghaharap nina Ellice at Marissa sa mga darating na gabi sa "Ang Sa Iyo Ay Akin," palabas gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom