News Releases

English | Tagalog

"PBB Connect" kick-off, trending at maraming pasabog

December 09, 2020 AT 02:49 PM

"PBB Connect" kick-off trends as Big Brother drops explosive revelations

The iconic Big Brother house has officially opened with a stunning production number on Sunday (December 6) with “PBB Connect” being among the top Twitter trends as Big Brother unveiled explosive revelations.

14 official housemates, madaragdagan pa

 

Opisyal nang nagbukas ang Bahay ni Kuya noong Linggo (Disyembre 6) para sa “Pinoy Big Brother Connect” na agad naging trending topic sa Twitter dahil sa pasabog na opening number nito at sunod-sunod na rebelasyon ni Kuya.  

Sinorpresa ni Kuya ang 12 official housemates dahil agad siyang nagbigay ng task para masubok ang galing at diskarte nila bilang grupo. Nagtagumpay naman ang housemates sa unang task, kaya nagkaligtas sila sa unang nomination night.  

Sinundan ito ng isa pang pasabog na siyam na housemates lang ang makakapasok sa loob ng bahay. Tatlong housemates ang maiiwan sa isang isolation area sa garden. Napili nina Kyron Aguilera (Ang Shy Biker Boy ng Butuan) at Mika Pajares (Ang Single Momshie-Kap ng Bataan) na pinangalanang heads of household sina Andrea Abaya, Crismar Menchavez, at Ella Cayabyab na matulog sa isolation area.

Bukod dito, may tatlo pang housemates ang papalaring makapasok. Sa unang pagkakataon sa “PBB,” may kapangyarihan ang outside world sa pagpili ng tatlong mapipiling housemates mula sa 117 na aspirants sa Kumu na magla-livestream simula Disyembre 6. Ang aspiring housemates na makakatanggap ng pinakamaraming virtual gifts ang magpapatuloy sa next round hanggang sa tatlo nalang ang matira na tatanghaling dagdag na official housemates.   

Para laging maka-kunect ang Kumunity sa “PBB Connect,” handog din ng “PBB” at Kumu ang 24/7 livestream at apat na camera na naka-setup sa loob ng bahay. Pwedeng pumili ang viewers ng camera para matingnan ang mga ganap sa loob ng bahay anumang oras. Pati voting ay magaganap na rin sa Kumu.  

Bago pa man pumasok ang bagong housemates, una nang nagbigay ng tour sa bagong bihis na Bahay ni Kuya ang mga host na nabigyan pa ng task na idisinfect ang bawat sulok ng bahay bilang parte ng health and safety protocols ng programa. Sumailalim rin ang mga host, housemates, at staff ng programa sa RT-PCR swab testing upang masigurado ang kaligtasan ng lahat. 

Kakaiba man ang premiere ng “PBB Connect” dahil walang live audience na sumasalubong sa mga bagong housemate, naging mainit at masaya pa rin ang gabi dahil sa engrandeng opening dance number nina Kim, Maymay, MNL48, SHA Boys, at BINI. Kalaunan ay humataw na sa Twitter ang official hashtag na #PBBConnectXmasSalubong. 

Kailan kaya makakapasok ng bahay ni Kuya ang natitirang tatlong official housemates? Sino-sino kaya sa 117 aspiring housemates sa Kumu ang makakabihag sa puso ng Kumunity? Abangan ‘yan sa “PBB Connect” sa primetime, 8:30 pm sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (weekdays) at 8:30 pm (weekends) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother). Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.