News Releases

English | Tagalog

Tugon ng ABS-CBN sa pahayag ni Rep. Albano

February 12, 2020 AT 12:34 PM

ABS-CBN’S official statement in reaction to Rep. Antonio Albano’s statement

We appreciate the statement of Rep. Antonio Albano that ABS-CBN may be legally allowed to operate even after its franchise expires.

Binibigyang halaga ng ABS-CBN ang pahayag ni Rep. Antonio Albano na maaari pa ring legal na magpatuloy ang operasyon ng ABS-CBN kahit mapaso na ang prangkisa nito.
 
Pinanghahawakan din ng network ang kanyang pangako na idaan sa proseso ang franchise renewal sa tamang panahon.
 
Nauna nang ipinahayag ng ABS-CBN ang sagot nito sa mga akusasyon ng Solicitor General. At sa utos ng Korte Suprema, magsumite rin ang ABS-CBN ng detalyadong komento sa itinakdang panahon.
 
Nais naming pasalamatan ang lahat na nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN.
 
Patuloy na isusulong ng kumpanya ang misyon nitong maglingkod sa mga Pilipino. Bagaman hindi perpektong organisasyon ang ABS-CBN, sinisiguro nito sa publiko na mananatili ang pinakamataas na antas ng integridad sa paghahatid ng mga serbisyong mahalaga at makabuluhan sa maraming Pilipino.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE