News Releases

English | Tagalog

Pasasalamat mula sa ABS-CBN

February 13, 2020 AT 07:45 PM

A Message of Thanks from ABS-CBN

We are inspired by the positive words from government officials, fellow journalists here and abroad, industry organizations, the academe, church, artists, all Kapamilya, Kapuso, Kapatid, friends, fans, and viewers.

 Sa ngalan ng lahat ng empleyado ng ABS-CBN, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga nagpaparating ng suporta para sa amin.
 
Nagbibigay po sa amin ng inspirasyon at tibay ng loob ang mga pahayag ng suporta mula sa mga opisyal ng gobyerno, kapwa-taga media mula sa Pilipinas at ibang bansa, iba’t ibang organisasyon ng industriya, akademya, simbahan, artista, mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid, kaibigan, fans, at mga manonood.
 
Maraming salamat sa inyong pagkilala sa aming serbisyo para sa milyon-milyong Pilipino sa buong mundo. Lalo naming pagsisikapang makapaghatid ng balita, kasiyahan, at serbisyo-publiko sa sambayanan.
 
Salamat din po sa inyong tiwala na ang ABS-CBN ay naglilingkod nang tapat, may integridad at hindi lumalabag sa batas.
 
Dinarasal po namin na magkakaroon na ng pagkakaunawaan ang lahat tungkol sa usaping ito.
 
Isang malaking karangalan po para sa ABS-CBN ang makapagserbisyo at maging bahagi ng buhay ng bawat Pilipino.
 
Muli, maraming maraming salamat po.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE