News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, walang utang na tax

February 13, 2020 AT 12:47 PM

ABS-CBN has no unpaid taxes

ABS-CBN has no outstanding tax liability with the Bureau of Internal Revenue (BIR). In fact, the BIR issued a Tax Clearance Certificate to ABS-CBN in 2019.

OPISYAL NA PAHAYAG

Tapat ang ABS-CBN sa pagbabayad ng buwis sa gobyerno. Sa katunayan, binigyan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ABS-CBN ng Tax Clearance Certificate noong 2019, na isang katibayan na wala itong pagkukulang sa BIR.
 
Sa nakalipas na 17 taon, umabot na sa P70.5 bilyon ang binayarang buwis ng ABS-CBN sa gobyerno.  Ang ABS-CBN din ay isa sa mga pinakamalaking taxpayer sa bansa.
 
Kinilala na rin ang kumpanya bilang isa sa Top 200 Non-Individual Taxpayers sa Pilipinas.
 
Ipinagmamalaki ng ABS-CBN ang pamamalakad ng organisasyon nito nang may buong katapatan at integridad.  Walang hindi binayarang utang ang ABS-CBN sa anumang bangko.

Ang ABS-CBN ay nagpapasalamat sa pagkakataong makatulong sa bayan sa pamamagitan ng mga serbisyo nito at buwis na matapat nitong binabayaran.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE