News Releases

English | Tagalog

"Halik," magpapainit sa Jeepney TV

February 20, 2020 AT 01:55 PM

"Halik" adds sizzle to Jeepney TV

Balikan ang pag-ibig, pagsisinungaling at panloloko sa “Halik,” na ipapalabas na sa Jeepney TV tuwing 9am ng Sabado simula ngayong February 22!

Nagbabalik ang teleseryeng yumanig sa primetime ng ABS-CBN na “Halik” sa Jeepney TV simula ngayong Sabado (February 22).

Umikot ang istorya ng serye na pinagbidahan nina Sam Milby, Yam Concepcion, Yen Santos, at Jericho Rosales sa mga epekto ng panlalaguyo sa isang relasyon. Kakaiba rin ang naging atake sa palabas, dahil mula sa pananaw ng lalaking karakter na si Lino ikinuwento ang nangyaring pagtataksil.

Ipinakita rin sa serye ang mga paghihirap ni Jacky (Yen), ang matapang na asawa ng babaerong karakter na si Ace (Sam), at ang mga masasamang kilos ni Jade (Yam).

Tinutukan din ng mga manonood ang “Halik,” na makikita sa mataas nitong TV ratings, gaya na lang ng naitala nitong 30.3% noong huling episode nito, ayon sa data mula sa Kantar Media.

Paborito rin ang teleserye ng mga manonood ng iWant, at ipinalabas din noong isang taon sa Tanzania.

Balikan ang pag-ibig, pagsisinungaling at panloloko sa “Halik,” na ipapalabas na sa Jeepney TV tuwing 9am ng Sabado simula ngayong February 22. Mapapanood ang Jeepney TV sa ABS-CBN TV Plus channel 11, SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Mag-subscribe din sa YouTube channel ng Jeepney TV.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE