News Releases

English | Tagalog

Anim na ABS-CBN stars mananatiling Kapamilya

February 20, 2020 AT 04:17 PM

Six Kapamilya celebs stay with ABS-CBN

Six Kapamilya celebrities once again strengthened their ties with ABS-CBN after inking their respective network contracts recently.

Ogie Alcasid, Carlo Aquino, Karla Estrada, atbp…
Mananatiling Kapamilya ang anim sa mga kilalang artista ng ABS-CBN matapos silang pumirma ng kontrata para sa network kamakailan.
 
Nangunguna rito ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid na pumirma ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN. Bukod sa kaniyang regular na paglabas saASAP Natin ‘To” stage, nakatakda ring lumabas si Ogie sa panibagong season ng “Your Face Sounds Familiar.”
 
Pumirma rin ng kontrata para sa ABS-CBN ang “Pamilya Ko” actor na si JC De Vera. Nang tanungin kung ano ang dapat pang asahan ng kaniyang mga fans ngayong taon, ani JC, “Mas diverse na JC, mas well-rounded. Napunta na ako sa drama, sa action, at ngayon gumagawa pa rin ako ng comedy. Para rito sa bago kong kontrata, alam kong bibigyan pa rin ako ng bagong challenges ng ABS-CBN, at gusto ko ‘yun.”
 
Samantala, ibinahagi naman ng actor-model na si Kit Thompson ang kaniyang saloobin at pasasalamat matapos siyang pumirma ng kaniyang kauna-unahang exclusive contract sa Kapamilya network. Ani Kit, isa itong malaking pribilehiyo para sa kaniya. Kasalukuyan din siyang gumagawa ng teleseryeng pinamagatang “Ligaya” kasama si Ivana Alawi, na pumirma rin ng kontrata sa ABS-CBN kamakailan.
 
Pumirma rin ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN ang momshies na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros. Bukod sa pangako nilang pagbibigay ng kasiyahan ngayong taon, ibinahagi rin ni Karla at ni Melai kung ano ang mas nagpapa-excite sa kanila sa oportunidad na ito. “’Yung serbisyo na pwede naming ibigay, doon kami mas nae-excite lalo na sa mga talagang tumatangkilik ng mga programa ng ABS-CBN,” ani Karla. Isang pelikula rin ang maasahan ng lahat mula kay Karla at Melai, kasama ang kanilang “Magandang Buhay” co-host na si Jolina Magdangal.
 
Kumumpleto sa lineup ng mga artistang mananatiling Kapamilya ang “A Soldier’s Heart” actor na si Carlo Aquino na nagpahayag ng kaniyang pasasalamat. Bilang isang homegrown actor ng Kapamilya network, ibinahagi ni Carlo na hindi niya maisip ang buhay na wala ang ABS-CBN. “Ito na ‘yung kinalakihan ko, dito ako natutong umarte, kumanta, at alam kong ‘yun din ang ituturo nila sa mga susunod pang henerasyon,” ani Carlo.
 
Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, Star Magic head Johnny Manahan, at head ng treasury na si Rick Tan. Dumalo rin sa pirmahan ng kontrata sina Regine Velasquez, talent manager Leo Dominguez at Cornerstone head Erickson Raymundo.