News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, namahagi ng protective gears, pagkain sa health workers

March 19, 2020 AT 02:37 PM

ABS-CBN donates protective gears, food to health workers

Help came through for health workers in East Avenue Medical Center after ABS-CBN delivered masks, other protective gear, and snacks to them to show support and Kapamilya love to those leading the fight against the COVID-19 disease.

Kapamilya love, damang-dama sa panahon ng COVID-19

Dumating ang tulong at kalinga para sa health workers ng East Avenue Medical Center matapos mamahagi ang ABS-CBN ng pagkain, face masks, at iba pang protective gear bilang pagpapakita ng suporta at Kapamilya love sa mga Pilipinong nangunguna sa laban para masugpo ang COVID-19 sa bansa.

Nakatanggap ang mga medical frontliner ng safety goggles, masks, at mga biskwit at energy bars mula sa ABS-CBN na layuning mabigyan sila ng suporta habang patuloy silang kumakalinga at gumagamot sa mga may sakit. 

 Ayon kay Jun Dungo, ABS-CBN head of Integrated Public Service, simpleng pagpapakita lang ito ng network ng pasasalamat sa lahat ng malasakit at sakripisyo ng health workers sa bansa. “Maliit na bagay lang ito, pero sana makatulong ito sa ating kampanya against [this] COVID-19,” ani niya.

Nasa ilalaim na ang buong Pilipinas sa state of calamity dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.