News Releases

English | Tagalog

Mas maraming channels mapapanood ng SKYdirect prepaid subscribers gamit ang Kapamilya Thank You

March 19, 2020 AT 02:58 PM

More exciting channels available to SKYdirect prepaid subscribers with Kapamilya Thank You

SKYdirect prepaid subscribers can now experience more channels and contents on top of their plans using their Kapamilya Thank You points.

Maaari nang makapanood ng dagdag at exciting channels ang SKYdirect prepaid subscribers gamit ang kanilang Kapamilya Thank You points.

Ang Kapamilya Thank You program ng ABS-CBN ay paraan ng network para maipakita ang pagmamahal at pasasalamat sa mga kapamilyang tumtangkilik sa mga produkto at serbisyo ng ABS-CBN , sa pamamagitan ng  Kapamilya Thank You Points na magagamit para makakuha ng ekslusibong regalo at pribilehiyo. Tampok dito ang mga ABS-CBN tours, at shows, libreng produkto at serbisyo, subscriptions, e-wallet loads, rebates at marami pang iba. 

Ma-eenjoy na ng subscribers ang hit Pinoy movies sa Pinoy Box Office (PBO), pati na rin sa Tagalized Movie Channel (TMC). Sikat na talent shows gaya ng X-Factor UK, America’s Got Talent , at Britian’s Got Talent naman ang dala ng Blue Ant Entertainment. Kung aksyon naman ang hanap, may chance mapanood ang AXN. 

Para naman sa mga moms, may shows about skin care, health and wellness, at fashion ang mapapanood sa TLC. Samu’t saring educational shows naman ang ma-eenjooy ng kids sa Discovery. Marami pang channels ang pwedeng idagdag mula sa listahan ng Select channels ng SKY.  

Gamit ang kanilang naipong points, maaari na silang pumili ng reward tulad ng additional subscription for 30 days sa Discovery, AXN, PBO, at marami pang ibang channels.

Dagdag na bonus pa sa subscribers, ang karagdagang 30 Kapamilya Thank You points kapag nagregister sa Kapamilya Thank You at  30 points kapag-na-enroll na ang SKYdirect Digibox ID. Hanggang dalawang SKYdirect digiboxes ang pwedeng i-enroll kada account, kaya may total na  90 points na makukuha na. Makakakuha na kaagad ang mga subscribers ng points sa mga nabili sa  kanilang SKYdirect plans, Select Channels, Pay-Per-View (PPV), at Kapamilya Box Office (KBO). 1 point ang ibinibigay kada P50 na mabibili.      

Makakatanggap ang user ng points simula sa pag-register at pag-enrol ng box, hanggang sa pag-load, pag-subscribe sa SKY Select Channels at sa Pay-Per-View o KBO. Pwede ring i-redeem ang naipong points bilang isang buwang subscription.

Simple lang mag-register at mag-enroll ng SKYdirect Box ID para makakuha ng Kapamilya Thank You Points. Magtext lang ng SKYDIRECT (space)First name/Last Name/Digibox ID at i-send sa 23663 at makaka-receive na ng confirmation.

Para makita ang iba pang Kapamilya Thank You rewards at para sa karagdagang impormasyon, i-textl amang ang SKYDIRECT at i-send sa 23663 o magtungosa mysky.com.ph/skydirectkty at i-follow ang SKYdirectph sa Facebook. 

Ang SKYdirect ang direct-to-home satellite service ng SKY Cable Corporation na nagdadala ng saya at mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng iba’t-ibang cable channels para sa mga Pilipino sa lahat ng bahagi ng bansa.  Para sa karagdagang impormasyon, magpunta lamang sa mysky.com.ph

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE