News Releases

English | Tagalog

Alyssa Valdez at Risa Sato, may ibinunyag sa “Kalye Confessions” sa S+A  

March 19, 2020 AT 07:04 PM

Volleyball stars talk about sports, love, and life in “Kalye Confessions” on S+A

The segment, which debuted recently, allows volleyball stars to step out of their comfort zone and have a deep and unusual chat about playing the game and anything about life.

Volleyball star Cherry Nunag, bagong host sa ABS-CBN Sports

Ang “Kalye Confessions” ng volleyball star na si Cherry Nunag ang bagong segment na dapat abangan sa “The Score” sa ABS-CBN S+A.
 
Dito mapapanood ang mga atleta sa labas ng court at masayang nakikipagkwentuhan lang tulad na lang nina Alyssa Valdez at Risa Sato na tampok sa unang dalawang episodes nito.
 
Mapapanood pa ang episodes ng “Kalye Confessions” sa ABS-CBN Sports Facebook Page at YouTube Channel kung saan daan-daang libong views na ang nakuha ng mga ito.
 
Sa unang episode kasama si Alyssa Valdez, ibinahagi ng UAAP legend ang kwento sa likod ng kanyang “final walk” at paglalaro sa ibang bansa. Ibinunyag din ni Alyssa ang kanyang mga idolo sa volleyball at ilang mga bagay tungkol sa relasyon nila ng kapwa niya Phenom na si Kiefer Ravena.
 
Nakasama naman ni Cherry sa pangalawang episode si Creamline Cool Smashers middle blocker Risa Sato. Kinuwento ng sikat na Filipino-Japanese ang mga pagsubok na kanyang pinagdadaanan dahil hindi pa siya bihasa sa Tagalog, lalo pa at ginawa siyang team captain ng NU Lady Bulldogs. Ibinahagi rin niya ang mga paborito niyang Filipino food simula nang lumipat siya sa bansa noong siya ay 19 years old.
 
Ang “Kalye Confessions” ang unang sabak sa hosting ni Cherry, na naglalaro para sa PetroGazz Angels sa Premier Volleyball League. Hango ang segment na ito sa “Extra Rice with Beau Belga” ng “The Score.” Katulad ni Beau, madaling kagaanan ng loob si Cherry at masayang kausap kung kayat nagagawa niyang magtanong ng mahihirap o personal na bagay.
 
Kahit wala pang tatlong linggo simula nang ipalabas ang mga episode, sikat na ito sa volleyball fans dahil mayroon na itong mahigit sa 112,000 views sa YouTube at mahigit 280,000 views naman sa Facebook page ng ABS-CBN Sports, ang sports arm ng kompanyang nangunguna sa media at entertainment sa Pilipinas. Ang tagumpay ng segment ay nakahanay sa pag-transition ng ABS-CBN bilang isang digital company kung saan ito ang may pinakamalaking presenysa online sa mga lokal na kumpanya sa media.
 
Bukod sa “Kalye Confessions,” mae-enjoy rin ng volleyball fans ang mga laro, highlights, panayam, at eksklusibong features sa ABS-CBN Sports YouTube channel at iWant.
 
Para sa sports news, i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.