News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN katulong ng mga Pilipino sa paghahanap ng trabaho sa “Trabahanap”

March 03, 2020 AT 11:28 AM

ABS-CBN helps Pinoys find jobs via new "Trabahanap"

More Filipinos will now be able to find work in “Trabahanap,” ABS-CBN’s newest public service initiative that offers job openings in construction, factories, fastfood centers, and more.

Mas maraming Pilipino ang makakahanap ng trabaho sa “Trabahanap,” ang bagong serbisyong pampubliko ng ABS-CBN na naghahatid ng job openings sa construction, factory, fastfood center, at marami pa.

“Dahil sa Trabahanap maisasakatuparan ang layunin ng ABS-CBN na magdala ng serbisyo sa Pilipino dahil makakatulong ito sa maraming taong naghahanap ng trabaho,” sabi ni Mark Awiten, ang head ng Trabahanap at CineMo channel.  

Ang job portal na ito ay may sariling website, at matatagpuan rin sa CineMo Channel, sa INFOPlus ng ABS-CBN TVplus, at sa mga job fair.

Sa Trabahanap website, isang click lang ang paghahanap ng trabaho. 

“Ngayon mas mabilis ang pag-aapply dahil log-in lang ang kailangan, wala ng ‘walk-in,’ mabibigyan ka na ng tsansa na ma-interview ng employer, at mas maraming trabahong pagpipilian na naayon sa ‘skills’ at nais na pasukang trabaho,” saad pa ni Awiten.

Kasama sa kakaibang feature nito ang geolocation capability na tutukoy sa mga job opening na malapit sa tahanan ng mga naghahanap ng trabaho. Maaaaring i-set sa anumang apat na distansya ang gumagamit nito mula 3 kilometro hanggang 15 kilometro.

“Para sa amin, pantay ang halaga ng pagkakaroon ng trabaho sa pagkakaroon ng masayang pamumuhay kasama ang kapamilya,” sinabi ni Awiten.

Kung malapit lamang ang tahanan ng mga mangagagawa sa kanilang pinagtatrabahuhan, bawas rin ang stress at pati na rin sa gastos sa pag-commute. “Ang perang kanilang maiipon ay pwede nang gamitin sa ibang pangangailangan sa tahanan,’ dagdag ni Awiten.

Kinakailangan lamang mag-register at gumawa ng account sa nasabing website para magamit ang serbisyo nito.

Sasali rin ang Trabahanap sa mga job fair sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mas makita ang mga job opening na hatid nito at para na rin makatulong sa mga walang paraan para magregister sa website. 
Ang job listings ay patuloy naman na mapapanood sa dulo ng mga palabas sa CineMo channel ng ABS-CBN TVplus.

Inaanyayahan ang publiko na abangan sa CineMo channel at sa Facebook ng Trabahanap ang mga announcement tungkol sa mga job fair na sasalihan ng ABS-CBN Sopresaya truck tour. 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE