News Releases

English | Tagalog

Seth, papainitin ang MYX bilang celebrity VJ ngayong Marso

March 06, 2020 AT 01:52 PM

Seth turns the heat up as this month's MYX celebrity VJ

Embrace the heat with MYX Celebrity VJ Seth this March!

MYX Presents, ibibida ang Pinoy boy group na SB19!
 
Tampok bilang celebrity VJ ang "Kadenang Ginto" breakout star na si Seth Fedelin ngayong Marso sa MYX.
 
Pahinga muna sa acting ang "PBB Otso" alumnus na bumida rin sa iWant film na "Wild Little Love" kasama si Andrea Brillantes para maghatid ng mga pinamagagandang awitin ngayon sa MYX.
 
Papainitin naman ni Darren Espanto ang nangungunang music channel bilang MYX Headliner, matapos niyang mai-release ang extended music video ng hit single niya na "Sasagipin Kita."
 
Dapat ding abangan ang MYX Spotlight artist ngayong buwan na sina Ryan Meaney, Alec McGarry, at Nathan Lambert mula sa British band na New Rules. Pumunta sa bansa ang banda kamakailan para sa ilang mall show bago mag-tour sa UK at Ireland.
 
Samantala, magliliyab naman ang MYX! Live stage dahil sa mga performance na ihahatid ng electro-pop rock band na Gracenote ngayong Sabado (March 7), na susundan ng singer-songwriter na si Unique sa March 14, "Asia's Nightingale" Lani Misalucha sa March 21, at bandang Kamikazee sa March 28.
 
Siguradong mae-excite din ang mga "A'Tin" dahil bibida sa MYX Presents ang SB19 ngayong 8pm ng Sabado (March 7), na may replay ng 12nn sa Linggo (March 8), at 4pm sa Martes (March 10).
 
Yakapin ang init kasama ang MYX celebrity VJ na si Seth sa Pop MYX hanggang Sabado (March 7), Pinoy MYX mula March 8 hanggang 14, Mellow MYX mula March 15 hanggang 21, at My MYX mula March 22 hanggang 28. Panoorin ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE