News Releases

English | Tagalog

Libreng panonood hatid ng SKYdirect sa prepaid subscribers

April 16, 2020 AT 11:02 AM

Free TV viewing offered to SKYdirect prepaid subscribers

Families can continue to get information and be entertained during their homestay as SKYdirect offers free channels to prepaid subscribers until April 30. 

Para patuloy na mabigyang saya at impormasyon ang buong pamilya, handog ng SKYdirect sa mga prepaid subscribers nito ang libreng panonood hanggang Abril 30.

 

Kahit walang load, maaaring mapanood ang ABS-CBN HD, pati na rin ang mga pangunahing balita mula sa DZMM Teleradyo, ang kiddie channel na YeY, ang Knowledge Channel na may handog na educational programs para sa mga bata, ang Cinemo na may dalang hit Tagalog movies, at mga minahal at sinubaybayang ABS-CBN shows mula sa Jeepney TV.

 

Walang kailangang sunding mechanics, o itext para mag-activate. Buksan lamang ang inyong telebisyon at sama-sama nang mag-enjoy kasama ang inyong housemates.

 

Ang SKYdirect ang direct-to-home satellite service ng SKYCable Corporation na nagdadala ng saya at mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng iba’t-ibang cable channels para sa mga Pilipino sa lahat ng bahagi ng bansa.

 

Para sa kumpletong listahan ng channels na mapapanood, magpunta lamang sa mysky.com.ph/skysaya.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE